PULIS @ UR SERBIS

Sa lalawigan ng Apayao, damang-dama ng mga kababayan natin ang pasko sa isinagawang outreach activity ng mga kapulisan ng Luna Municipal Police Station (MPS) sa bayan ng Luna. Ayon sa Luna MPS, sinadyang bisitahin ng mga kapulisan ang Brgy. Calayucay upang ipaabot ang munting tulong at regalo ng pakikisama. Dagdag pa ng Luna MPS, katuwang nila ang Local
Government Unit, Non-government Organization at mga religious sector ng Luna sa isinagawang aktibidad. Nasa 36 na mag-aaral ng Calayucay Elementary School at 114 na residente ang nakilahok
at nakinabang sa nasabing outreach activity. Sa nasabing aktibidad, ang mga kapulisan ay namahagi ng mga damit, tsinelas, at food packs. Sila rin ay nanguna sa mga parlor games na masayang nilahokan ng mga residente.

Bukod pa dito ay ibinahagi at tinalakay ng mga kapulisan at mga kapatid sa simbahan ang
BIDA (Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan) Program at ang KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan,
at Pamayanan Program sa mga kababayan natin. Ang nasabing outreach activity na binansagang “Pamaskong Handog ng Luna MPS” ay isinagawa ng mga kapulisan ng Luna MPS kaugnay sa M+K+K=K program ng Chief PNP. Natapos ang aktibidad sa pamamagitan ng isang feeding program na inihanda ng mga kuya at ateng pulis ng Luna MPS.

Pulis @ Ur Serbis

Amianan Balita Ngayon