PUV drivers, mga konduktor negatibo sa paggamit ng droga

LUNGSOD NG BAGUIO – Walang drayber o konduktor ng mga bus na bumibiyahe sa ibang mga rehiyon ang naging positibo ng iligal na droga sa isang randon drug test noong Lunes, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency sa Cordillera Administrative Region (PDEA-CAR) noong Martes.
“Walang naging positibo (ng paggamit ng iligal na droga),” pahayag ni Julius Paderes, investigation agent 5 ng PDEA-CAR sa isang text message.
“May magandang random sampling kami sa ating mga drivers at conductors na nagpapakita na karamihan sa kanila ay sumusunod sa antiillegal drug laws at sumusuporta sa ating adbokasya laban mga sa iligal na droga na lubhang nakakaapekto sa kaligtasan ng ating mga mananakay,” aniya.
Isang randon drug test ang magkasamang isinagawa ng PDEA-CAR at ng Department of Transportation-CAR noong Lunes sa mga istasyon ng bus sa Governor Pack Road at Otek Sreet. Sumailalim din sa random drug tests ang mga interregional van drivers.
Ang mga bus sa Gov.Pack Road kabilang ang Partas bus lines, Victory Liner, Joy Bus at Genesis bus lines, Philippine Rabbit bus lines, Lizardo bus company kasama ang mga van na bunibiyahe sa Ilocos at Cagayan Valley at mga probinsiya ng Cordillera.
May 46 bus drivers, 42 bus conductors at 13 van drivers ang sinuri sa paggamit ng iligal na droga at lahat sila ang negatibo ang naging resulta.
“Pinupuri at binabati naming sila,” ani Paderes. Ang sorpresang random test noong Lunes ay paghahanda sa Undas kung saan daan-libong tao ang inaasahang maglalakbay papunta at mula sa mga probinsiya sa lungsod ng Baguio. Sinabi ni Paderes na layon ng sorpresang drug testing o screening na mahadlangan ang mga sakuna sa kalsada bilang resulta ng paggamit ng iligal na droga ng mga drivers at conductors.
“ Inaasahan naming ang malaking bilang ng mga turista kaya kailangan naming gawin ito upang mahadlangan ang posibleng mga biktima at kapinsalaan,” pahayag ni Paderes.
“Inakala nila na isang ordinaryong inspeksiyon lamang ng DOTr kaya nagulat sila ng hilingin naming magsumite sila ng kanilang mga ihi para sa drug test,” ani Paderes.
Kaparehong sorpresang random drug test ang isinagawa ng dalawang mga ahensiya sa peak travel season at sa pagbubukas ng mga klase upang masiguro ang kaligtasan ng mga mananakay.
 
DDJr.-PNA/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon