Road clearing sa mga sidewalk ipinagpaliban

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagkasundo ang mga opisyal ng lungsod na ipagpaliban ng anim na buwan ang road clearing operation sa mga sidewalk upang bigyan ang mga may-ari ng newspaper stands at iba pang vendor ng panahon na makahanap ng mas mabuting lugar para sa kanilang negosyo.
“We will allow selling of newspapers, repair watches on sidewalks for six months until the end of June while another location is being identified for their relocation,”sabi ni Allan Abayao, hepe ng Permits and Licensing Division, noong Miyerkoles, matapos ang naunang dayalogo sa mga vendor.
Ipinapatupad ng pamahalaang lungsod ang Memorandum Circular 2019-121 ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na linisin ang mga daan sa mga iligal na istruktura para magamit ng publiko.
Maliban sa pambansang kautusan, isang city ordinance na ipinasa noong 1984 at isang 1990 resolution na kapwa nagsasabing ang “right of way” ay nakareserba para magamit ng publiko at hindi dapat gamitin sa negosyo ng tao.
Ang anim-na-buwang pagpapalawig ay konsiderasyon sa mahirap na kalagayan sa pinansiyal dahil sa pandemya dulot ng coronavirus disease 2019 (Covid-19). Ang panahon na ibinigay ay magpapahintulot sa mga vendor na magtinda ng newspaper, kabilang ang ilang piraso ng candy, face mask, at face shields upang may pagkakitaan.
Subalit pinaalalahanan sila na ang pagtitinda ng mga produkto na kumakain ng espasyo na lagpas sa one-meter by half-meter na espasyo dahil kukumpiskahin ito ng Public Order and Safety Division (POSD).
Ang parehong patakaran ay ibinigay sa mga may-ari ng sidewalk watch repair stall. Hinihiling sa mga vendor na maghanap ng ibang lugar na hindi nakakasagabal sa daloy ng mga pedestrian.
Sa dayalogo, sumang-ayon ang mga vendor na ang paggamit sa sidewalk ay magtatapos sa Hulyo 1, 2021. Subalit kinakailangang i-update nila ang kanilang business permit bago Disyembre 31.
Sumang-ayon din sila na habang pinapayagan, kailangang panatilihin ng mga vendor ang malinis, maayos at kaaya-ayang newspaper at watch repair stands. Habang nabigyan ng panahon ang mga vendor ay ipapatupad ng lungsod ang .60-meter setback sa loob ng mga establisimiyento na nakaharap sa mga sidewalk, hindi papayagan ang mga kliyente na nasa sidewalk habang nakikipag-kalakalan. Manindigan para sa mga newspaper vendor.
Lumikha ng ingay ang mga mamamahayag sa lungsod para sa mga newspaper vendor sa Baguio nang malaman na aalisin sila sa mga sidewalk.
Ang umbrella organization ng media sa Baguio, ang Baguio Correspondents and Broadcasters Club (BCBC) ay sinabing binibigyan ng mga newsstand ang mga residente ng madaling access sa community at national newspaper at publications na anging bahagi na ng tanawin ng lungsod sa maraming dekada.
Sinabi ni Gloria Hamada, publisher at chief operating officer ng Baguio Midland Courier, ang pinakamatandang community newspaper sa Cordillera na sumasang-ayon siya pagbibigay ng kaayusan sa lungsod.
Upang tugunan ang isyu ng “eyesore” na ibinabato sa mga newsstand ay nag-alok siya ng magbibigay ng uniporme para sa mga vendor bilang inisyatibo na mapahusay ang kagandahan. Sinabi niya na ang anim na buwan ay mabibigyan sila ng panahon upang matulungan ang mga vendor ng newsstand na makahanap ng angkop na lugar na hindi lumalabag sa mga batas.
“For humanitarian purposes, give us time to help the newspaper sellers. It’s been difficult enough with the pandemic and cutting their only source of meager income will affect them more,” sinabi niya sa mga opisyal ng lungsod sa panahon ng dayalogo.
LA-PNA/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon