Sabuyan ng putik… Lalong grumabe pa!

Apr 4, 2022

Abril na. Kulang na lang sa apatnapung araw ang kampanyahan…eleksiyon na. Marami ang sabik. Marami rin ang inis. Ang dahilan – lalong gumagrabe ang sabuyan ng putik. Kung may kasabihang “below the belt” na atake…baka mas mababa pa sa belt ngayon. Saan ba ang mas mababa pa sa belt? YON nga ang “sapul” eh! Parang sinasabi mo pards na “Basagan ng ITLOG”. Yan nga ang ating sentro sa espasyong ito…pero may mga teka ka pa:

Ito ang mga ilan sa mga sandamakmak na mga mamanahin daw ng susunod na administrasyon: isyu sa West Phil. Sea, droga, ekonomya, patrabaho, insurhensiya at terrorism, enerhiya, kriminalidad, kapakanan ng mga OFWs, edukasyo, polisiya sa halalan, transportasyon, patubig – pabahay at irigasyon, serbisyo ng kuryente, presyo ng bilihin, pasahod, kahirapan, rehab sa kalamidad, at maraming iba pa. Baka abutin tayo ng Pasko, di pa tapos ang lista. Mantakin mo pala ang daming kahaharapin ng mga susunod nating opisyal – nasyonal at lokal.

Tanong: kaya ba yan ng mga tumatakbong kandidato? Ows, sabi ng marami. Baka sa salita lang at wala sa gawa. Tsk tsk…di natin sila masisisi. Maraming mga pangako ang napako. Marami ng sumpa na kasumpa-sumpa ang resulta. Baka raw kapag nakaupo na sila (hindi sa
nilalahat)…iba ang aatupagin.

Naggirian na ang barko ng Coast Guard ng Tsina at Coast guard natin kamakailan. Ilang metro lang ang pagitan. Sus mariakusina…eh, kung may makati ang kamay sa magkabilang panig at nagpaputok, ano kayang nangyari? Sus ginoong duwag….aba’y GIYERA NA. Buti na lamang at may pagtitimpi pa ang mga dearmas. Pero ang masaklap, sabi ng Tsina…karapatan daw nilang magpatrolya sa lugal kasi sa kanila.

Nakupowww! Anak ng singkit talaga. Ano ba ang talagang…ah, bahala na ang susunod na administrasyon. Bulong: baka naman nagpakitang gilas daw ang Tsina dahil may Balikatan o Military Exercise na naman ang US at Pilipinas ngayon? Ito bang Balikatan na ito ay masusukat natin ang tunay na pakay at malasakit sa atin ng Estados Unidos?

Bakit kaya medyo tahimik ang US sa isyu ng West Phil. Sea kahit gumigiri na ang mga barko ng Tsina sa atin? Ewan lang natin kung ano talaga ang isyu. Pero kung kay Pres. Duterte ang ating timbangin….lagi naman niyang sinasabi na kaibigan natin ang Tsina. Katunayan, marami tayong malalaking pagawang de gobyerno lalo na sa Visayas at Mindanao na ang katulong ang Tsina.

Ah, bahala na ang susunod na administrasyon kasi malapit na ang EXIT ni Digong. Naku!!! Halos maubos na ang espasyo. Balik na tayo sa isyu ng sabuyan ng putik. Talagang grabe na, pards. Sukdulang kalkalin na ang pinakamaliit mong kartada sa buhay.

Lahat yata ay pinakikialaman na para lang kuno ay makaungos sila sa kalaban. Di na tayo magbabanggit pa ng pangalan baka sumikat pa. Sa posisyong pang-nasyonal na lang…kita naman natin kung sinu-sino ang mga binabato ng putik maski magkakapartido pa sila.

Para daw silang mga bata na inagawan ng lollipop, eh. Hindi maganda ang mga ehemplong ito, di ba? Kung sa ngayon na wala pang resulta ng eleksiyon ay grabe na ang siraan…ano pa kaya pag tapos na ang halalan? Tiyak, mga talunan…n ga n g a k n ga k .

Dinaya – yan ang magiging sigaw. Suma-total…protesta ang kasunod. Sus, ginoong walang sapin…sa sandamukal na mga problemang ipapamana…ano kayang hilatsang susunod na administrasyon?

At ano naman ang kahihinatnan ng mga susunod nating lahi? Itanong na lang natin kay Covid-19. Baka mainis ire…ay biglang bumuwelta, lagot ang ating bansa. Nananahimik na nga si Covid-19 sa ngayon…pero ang mga problema, mas malala pa sa pandemya. Gising, kabayan.

Huwag magpakampante sa ngayon. Ga-bundok ang ating mga pasaning pampulitika plus Covid-19 pa. Kaya natin ito kung tayo’y magkaisa at magtulungan, hindi magsiraan. Tama na ang sabuyan ng putik. Maligo na lang kayo. Adios mi amor, ciao, mabalos.

RELATED POSTS

Pag-Upo ni BBM…. Ano kaya????

Habang sinusulat ang espasyong ito….ilang araw na lang, uupo na bilang pangulo ng bansa si BBM. Marami ang nananabik bagama’t may mga...

Dumi ng pulitika….. Salot sa lipunan!

Tapos na ang halalan. Inagurasyon para sa pagkapangulo at bise, hinihintay. Exit ni Pres. Duterte at entrada ni BBM sa Malakanyang…ilang...

BBM-Sarah Proklamado na!

Sa wakas sa ganap na alas 6:42 ng gabi ng Mayo 25, pagkatapos ang napakabilis na canvassing…naiproklama na bilang pangulo at ikalawang...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest