SAP 2nd tranche ipinamamahagi na

Ang pamamahagi ng ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP) ng pambansang gobyerno sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ay isinasagawa na.
K a s a l u k u y a n g kinukumpirma ng mga personnel ng social welfare ang ilang detalye mula sa 8,920 benepisaryo sa lungsod bago ibigay ang PhP5,500 o kung ang isang miyembro ng 4Ps, ang halaga ay pareho ng naunang tulong na ibinigay. Ang pamamahagi ay isinasagawa sa ilang pangunahing lugar kung saan nasusunod ang social distancing.
Ayon kay CSWDO head Betty Fangasan, 33,658 na kuwalipikadong benepisaryo ay tatanggap mula sa PayMaya sa pamamagitan ng electronic na pamamaraan.
Inaabisuhan ang mga tatanggap sa pamamagitan ng kanilang cellular phones. Nasa 5,830 na mga aplikante ang tinanggihan sa SAP dahil benepisaryo na sila ng Department of Labor and Employment (DOLE), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Social Services System (SSS) at iba pang mga ahensiya.
Niliwanag ni Fangasan na nalagpasan na ng lungsod ang target nito na 45,000 benepisaryo.
Ang SAP ay isang emergency subsidy project para sa mga pamilya na tinamaan ng pinansiyal ng COVID-19 na pandaigdigang pandemya, na nagpasara sa mga pinagtratranahuan kaya nawalan ng hanap-buhay ang mga empleyado.
Ang mga pamilya ng biktima ng COVID-19 na naka-home quarantine ay nakatanggap ng tulong mula sa CSWDO sa uri ng food packs, ani Fangasan. Ang mga taong lubhang nangangailangan any mabigyan din ng tulong na pagkain.
Tumutulong din ang CSWDO sa mga may kapansanan sa mata na nasa rug-making project, dahil napagkaitan sila ng trabaho dahil sa pandemya ng COVID-19, dagdag pa ni Fangasan.
(JGF-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon