SIKAT NA SOLAR ARTIST, NAKIBAHAGI SA STRAWBERRY FESTIVAL

LA TRINIDAD, Benguet

Ibinahagi ni Solar Artist Jordan Mang-osan, ang kanyang mga kakayahan, kadalubhasaan, at artistikong bahagi ng sining, sa ginanap na mural contest noong Marso 8,na bahagi ng selebrasyon ng Strawberry Festival. Ibinahagi ni Mang-osan, ang pagbibigay inspirasyon ng kanyang art medium sa mga aspirants at kung paano niya ito gustong makapag-impluwensya. Kasama sa kanyang mga artistikong interes ay ang pagpipinta, pagguhit, at pyrography.

Natuklasan ni Mang-san ang kanyang mga interes sa sining noong siya ay nasa elementarya at ginawaran bilang “artist of the year” sa kanyang pagtatapos sa elementarya. Ayon kay Mang-osan,
nagsimula siya ng solar pyrography sa edad na 19 at noong 1987 ay nakita niya si Santiago Bose, ang artist na nakapag-pakilala ng solar drawing sa Baguio, “Nag-apprentice ak kanyana. idi napan isunan shak nang ituloy en.” Si Mang-osan ay isang highschool undergraduate ngunit hindi ito naging hadlang sa kanyang pagmamahal sa sining.

Katulad na lamang ng pag-enroll niya sa isang paaralan na “one-month charcoal drawing”, pagsali sa “Baguio Art Skilled” upang mahasa pa ang kaniyang kahusayan sa pagguhit. Hindi rin daw hobby lang ang kanyang sining kundi ito ay ang kaniyang “way of life”. Ang kanyang mga interes
sa Solar Painting ay ang pagkakaroon ng pinakasimpleng materyales sa paglikha at ito ay ang
magnifying glass, protective eyewear, kahoy (o kahit anong pwedeng masunog), at ang araw. Bago niya simulan ang pag-aapoy ng kahoy, ini-isketch niya muna ang kanyang imahinasyon sa kahoy.

Binanggit din ni Mang-osan na bilang isang Igorot na pintor, ang lahat ng kanyang nasasakupang mga paksa ay nakabatay sa kulturang Cordilleran, tanawin, simbolo, tradisyon, at iba pa. Pagkatapos ng pagpipinta gamit ang araw, tinatakpan niya ito ng barnis. Ang tagal ng kanyang
mga solar painting ay laging nakadepende sa lagay ng panahon, lalo na kung maaraw o maulap.
Ani rin ni Mang-osan, “Tyaga lang at sipag ang kailangan sa solar drawing, then pwede na”. Sinabi niya na nakapag-turo or workshop na rin siya sa ibang bansa at nag-aalok siya ng mga workshop
sa lokal at sa buong mundo. Ang kanyang mga likhang sining, bukod sa mga solar drawing, ay makikita sa Tam-Awan village at sa kanyang Roofless Art Studio.

Shareen Ambros-UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon