NAKAKAGULAT ang insidente ng mga kaso nitong huling tatlong araw. Akalain mo, zero case ng
covid sa loob ng sunod-sunod na panahon nito lamang linggo. Nungka, nevah na kahit isang
kaso man lang ay nasarhan ng pinto si Big C. Ang aking tinutukoy ay si Covid-19. Tatlong araw na
bokya. Butata, kung basketball. Beklog kung eksamin. Itlog, sa madaling salita.
Kaya naman, nakakagimbal ang ganitong mga covid case infections dito sa Baguio. Nga pala, lungsod natin ang aking ibinibida at pinangangalandakan. Kasi naman, lampas dalawang taon ang binuno natin upang marami sa atin ang hanggang ngayon, 2023 na, ay nandyan pa rin si Covid. Binanatan tayo ni Alpha at Gamma. Hinampas tayo ni Delta. Pinadapa tayo ng sagad sagaran hilahod kung ituring.
Ngunit, narito ang Baguio, nakatindig, tingala sa langit, buong tatag na lumalaban. At ngayon na, bokya si covid. Hindi kaya kaya ganito ang mga insidente ng impeksyon ay dahilan sa walang nagpapa eksamin, yung tawag na covid test? Posible di ba? Kasi naman, alam natin na mabigat din sa bulsa ang gastusin sa mga test. Ang antigen, P350. Ang RTPCR, naglalaro sa P3,500 hanggang
P4,500 depende kung saan ka nagpa-test.
Sa karaniwang mamamayan, malaking halaga na iyan. Kung ubo-ubo, kakayanin. Kung sipon-sipon, sige lang, haybol na Lang. Ngunit hindi naman dapat pagtakhan kung talunan na si
covid. Aba, ang bakunado nasa 95%, ang boostered nasa 85%. Paano nga naman makaka-strike
si covid, maski pa super variant na ang tatama sa atin? Sige, isigaw na natin: covid, dedbol ka na! Tuloy na tuloy na ang AngatTayoBaguio! P.S. Isang masayang pakikiisa sa Chinese New Year! Mga Tsinong-Pinoy, mabuhay sa taon ng daga! Kung Gei Fat Choi!
January 21, 2023
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 9, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024