SK Chairman,10 pa, huli sa droga

LA TRINIDAD, Benguet – Isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman, na nasa listahan bilang High Value Individual (HVI),ang nadakip matapos ang buy-bust operation na isinagawa ng pulisya sa Barangay Betag, La Trinidad, Benguet.
Bukod dito, sampung drug personality, kabilang ang isang tattoo artist at painter ang magkakasunod na nalambat sa mga drug operation ng pulisya at PDEA.
Nabatid kay Regional Information Officer Capt.Marnie Abellanida, ng the Police Regional Office- Cordillera, ang suspek ay nakilalang si Jhony Titiwa Palsa-en, 23, tubong Palina, Kibungan, Benguet.
Ayon kay Abellanida, ang suspek ay nakipagtransaksyon sa mga operatiba ng Regional Intelligence Division (RID), Regional Intelligence Unit (RIU-14), and Benguet PPO noong gabi ng Mayo 14.
Tatlong sachets ng shabu na may timbang na 0.8 grams at may Standard Drug Price na P5,440.00 ang nakuha sa suspek. Napag-alaman na si Palsa-en ay SK Chairman umano ng Barangay Palina,na ngayon ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 or Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sa latest na drug operation noong Mayo 19, dalawang Street Level Individual (SLI) ang nalambat sa magkahiwalay na buy-bust operations laban sa mga suspek na sina Jordan Briones Dapnisan, 31, farmer,ng Mankayan, Benguet at Alvin Dela Cruz Cajepe, 40, caretaker,ng Palma Urbano, Baguio City.
Si Dapnisan ay nasakote sa may Sitio Poy-oc, Guinaoang, Mankayan,matapos magbenta ng isang sachet ng shabu na 0.50 grams sa halagang P3,400.00. Nakarekober pa ang pulisya sa possession nito ng isa pang sachet ng shabu na may halagang P5,440.00, tatlong sachets ng shabu residues, buy-bust money used, isang improvised toother, isang lighter at unit white keypad cellphone.
Si Cajepe naman ay nasakote sa may Rizal Park, Baguio City, matapos magbenta ng isang sachet ng shabu sa halagang P3,500.00. Noong Mayo 17, nalambat ng Baguio City Police Office at PDEA ang dalawang Street Level Individuals (SLI) at isang High Value Individual (HVI), na nakilalang sina Limel Nico Siloy San Pedro, 33, na nahuli sa Sto. Rosario Valley, Baguio City, samantalang sina Ferdinand Balleza Bulao, 37 at Kury Justin Gutierrez Facullo, 30, ay nasakote sa Barangay San Vicente at Malcolm Square.
Nakuha kay San Pedro ang isang gramo ng shabu na may halagang P6,800 at .5 gram na shabu naman kay Bulao, bukod pa sa karagdagang .5 gramong shabu na nakuha sa pag-iingat nito, samantalang 0.5 gramo din ng shabu ang nakuha kay Facullo.
Natimbog naman sa may Lower Balacbac,Santo Tomas Proper ang tattoo artist na si Darryl Martin Clemente, 28 at nakatala bilang High Value Drug personality ng BCPO. Nakuha sa kanya ang 1.0 gramo ng shabu na may halagang P6,800.00, matapos itong ibenta sa police poseur buyer,
noong Mayo 13.
Nabuking naman ang pagiging drug pusher ng isang pintor na si Alexander Quibol Lacadeo,40, alyas Angel ng Teachers Village, Baguio City, makaraang magbenta ito sa police poseur-buyer ng 0.41 gramo ng shabu sa halagang P2,788.00 noong Mayo 12.
Hindi naman nakapalag ang drayber na si Darrell Ballangoy Calpasi, 34, ng Bugias, Benguet, nang dakpin ito sa buy-bust operation sa Puguis, La Trinidad, Benguet, noong Mayo 15. Ibinenta nito sa poseur-buyer ang 0.30 gramo ng shabu sa halagang P2,040.00.
Bukod dito ay nakunan pa ang suspek ng dalawang plastic sachet ng shabu na may timbang na 4.85 grams na may halagang P32,980.00.
Ayon pa kay Abellanida, nadakip na ang No. 10 Regional level illegal Drug personality na si Johnroland Lopez, 23 at isang Street Level Individual (SLI) na si Haijen Milanes, 19, sa may Sto. Rosario, Baguio City, noong Mayo 13.
Ang dalawang drug personality ay nasakote sa pagbebenta nito ng apat na sachet ng shabu na may timanbang na 5 gramo sa halagang P34,000.00 sa poseur-buyer.
Walo pang plastic sachet na naglalaman ng 5 gramo ng shabu ang narekober na may halagang P34,000.00, kasama ang plastic sachet ng marijuana leaves; the buybust money; small gray/black pouch; 3 cellular phones; Yamaha Mio Motorcycle na gamit ng mga suspek.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon