Tao ng DOH, arestado sa 15 counts ng sexual assault, 2 trafficking

MALASIQUI, PANGASINAN – Inaresto ng Malasiqui Police Station (MPS) at San Carlos Police Station noong Mayo 23, 2018 ang isang empleyado ng gobyerno na nakalista bilang wanted person sa bayang ito dahil sa 15 counts ng sexual assault at dalawang counts ng qualified trafficking of person.
Sa panayam kay PO3 Arnold Quilates, warrant police non-commissioned officer ng MPS, kinilala ang suspek na si Carlos Espinoza, 34, residente ng Barangay Gomez dito, at empleyado ng Department of Health na nakatalaga sa Pangasinan Provincial Hospital (PPH) sa ilalim ng job order contract.
Ibinahagi ni Quilates na inaresto si Espinoza habang nakaduty sa PPH sa Barangay Bolingit sa San Carlos City sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Presiding Judge Rusty Naya ng Regional Trial Court (RTC) Branch 56 ng San Carlos City na may petsang May 22.
Aniya, ang mga kaso laban kay Espinoza ay ipinila noong Agosto 2017 ng mga biktimang lalaki na menor de edad sa bayang ito sa pakikipagtulungan ng Women and Children Protection Desk (WACPD) ng MPS na pinangunahan ni PO2 Marissa Carino.
“The suspect, who has a snack store near the school, allegedly lured these male high school students to join his fraternity called Kapatiran ng mga Sigang Kabataan. But before they could join, they underwent initiation, wherein they chose between pleasure and pain,” ani Quilates.
Dagdag pa niya, nalaman ng principal ng paaralan ang nasabing initiation rites ng fraternity mula sa mga mag-aaral, na humantong sa pagpila ng kaso laban kay Espinoza.
“He also allegedly trafficked two of the students to his homosexual friends,” dagdag ni Quilates.
Aniya, ang mga biktima ay nai-turn over ng WACPD sa Department of Social Welfare and Development noong nakaraang taon para sa counselling.
Naka-detain si Espinoza sa MPS bago iharap sa San Carlos RTC.
Nagpataw ang warrant ng P200,000 bilang piyansa sa bawat kaso ng sexual assault, o may kabuuang P3 milyon na piyansa para sa 15 kaso ng sexual assault.
Walang piyansa ang inirekomenda para sa dalawang kaso ng qualified trafficking, dagdag ni Quilates. H.AUSTRIA, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon