Tatlong pusher huli sa drug bust

BAGUIO CITY – Tatlong drug pusher ang nalambat ng kapulisan sa patuloy na kampanya laban sa iligal na droga, sa magkakahiwalay na operasyon sa siyudad na ito.
Nabatid kay Baguio City Police Office Director Allen Rae Co na matagumpay na naisagawa ang drug bust operation ng magkasanib na tauhan ng PS5, PS7 at Drug Enforcement Unit (DEU) DEU, BCPO at Tuba MPS sa koordinasyon ng PDEACAR, na ikinadakip ng dalawang suspek na sina Jones Paciteng Lamsis, alyas Boy, 34 ng Poblacion, Tuba, Benguet at Dindo Cabalhin Javier, 25, ng Purok 4, Pinsao Proper, Baguio City.
Nakumpiska sa mga suspek matapos ang buy-bust operation noong Huwebes sa may Roden’s Bar, Barangay Rizal Monument, Baguio City, ang apat na heat sealed transparent plastic sachet containing suspected shabu; cash money amounting to P1,000.00, at P5,000.00 boodle money.
Sa ikalawang operasyon, nasakote naman ang isa pang drug dealer na si John Eric Bulatao, 29, sa kanyang bahay sa Barangay Lourdes Extension, Baguio City.
Nakuha kay Bulatao ang isang sachet na naglalaman ng shabu at buy-bust money na P1,000.
Pinuri naman ni PROCOR Regional Director Israel Dickson ang mga personnel sa pagkakahuli sa mga drug pusher at patunay lamang ito sa patuloy na kampanya laban sa illegal drugs sa rehiyon.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon