Tatlong turista, arestado sa marijuana

LUNGSOD NG BAGUIO – Tatlong turista ang inaresto ng mga awtoridad dahil sa pagdadala ng marijuana noongkasagsagan ng  Semana Santa sa isang checkpoint/interdiction operation noong Abril 21, 2019.
Habang nagsasagawa ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-CAR ng isang checkpoint/ interdiction operation ay nakatanggap sila ng tip mula sa isang concerned citizen na isang pampasaherong jeep na may plakang AYJ 212 mula Tinglayan, Kalinga papuntang Bontoc, Mountain Province ay may sakay na tatlong kalalakihan na may dalang marijuana.
Ang dagliang responde ng mga awtoridad ay nagresulta sa pagkaka-aresto sa tatlong suspek na kinilalang sina Paolaphiny Octavio, 22 taong gulang; Jaden Residuo, 22 taong gulang at John Lloyd Rojales, 23 taong gulang, lahat ay walang asawa, walang trabaho at taga-Muntinlupa City.
Nakumpiska sa tatlong suspek ang mga backpack na may lamang 18 pirasong marijuana brick, apat (4) na tubular marijuana dried leaves at isang (1) tooter tube na may lamang marijuana dried leaves residue na may timbang na humigit-kumulang 20,002 gramo at may estimated market value na PhP2,400,240.00.
Isinagawa ang checkpoint ng pinagsanib na operatiba ng PDEA-Mt.Province Provincial Office sa pangunguna ni IAI Jumery Bosiko sa ilalim ng direktang pamamahakla ni Provincial Officer IA III Edwin C. Chanagrapen at Bontoc MPS sa pangunguna ni PLt. Robert Sagandoy sa kahabaan ng Bontoc- Kalinga Road, partikular sa Sitio Cheta, Bontoc Ili, Bontoc, Mt. Province.
Isang kaso ng paglabag sa RA 9165 ang ipinila laban sa mga suspek.
 
Lito M. Camero Jr./ABN

Amianan Balita Ngayon