TESDA handang sanayin ang mga bagong drug rehab graduates sa Abra

LUNGSOD NG ABRA – Handa ang Technical Educatuion and Skills Development Authority (TESDA) sa probinbsya ng Abra na magbigay ng skills training sa 28 bagong nagtapos sa community drug rehabilitation program, ayon sa isang opisyal noong Huwebes.
Sinabi ni acting provincial director Nenita Corro ng TESDA-Abra na ang mga nagtapos ay sasanayin sa Driving NC (National Certification) II, Carpentry NC II, Electrical Installation and Maintenance NC II, at Masonry NC II.
Magbibigay din sila ng starter kits na maaari nilang gamitin sa oras na nais nilang mag-umpisa ng isang home industry o economic activity kapag natapos nila ang pagsasanay.
Sinabi ni Corro na ang training ay isang regular program ng TESDA na nagbibigay sa mga espesyal na kliyente sa ilalim ng programang “Skills Training for Special Clients.”
Ang “special clients” ay isang kolektibong salita para sa espesyal na mga sektor na tinutulungan ng TESDA. Kabilang sa klasipikasyon ay ang indigenous peoples at indigenous cultural communities, calamity-affected communities, inmates at kanilang dependents, persons with disability, family enterprises, rebel returnees, dependents ng mga sundalo o military personnel na namatay sa pakikipaglaban o nasugatan sa pakikipaglaban, displaced women at senior citizens.
Sinabi ni Corro na ang training ay magsisimula sa oras na ang clearance na nagsasabing natapos ng mga sumuko ang requirements sa community drug rehabilitation program ay nailabas na.
Sa 28 drug surrenderers, 12 ay mula sa Bangued, at 16 mula sa San Juan, Abra. Mayroong 1,280 drug surrenderers ang Abra na kumuha ng tulong sa gobyerno ng ipahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya laban sa iligal na droga na nagsimula sa kaniyang termino.
Simula noon, ilan sa kanila ay natapos ang tuloy-tuloy na drug rehabilitation program na ginagawa isahan o magkasama ng gobyerno, church-based groups, at non-government organizations.
“Skills development and livelihood projects would help in the drug surrenders’ socioeconomic re-integration into the society,” ani Corro.
Sinabi niya na ang pagkakaroon nila ng isang national certificate (NC) sa oras na matapos ang pagsasanay at pumasa sa assessment ay magiging eligible sila sa isang trabahong local o sa ibayong dagat.
Sinabi niya na pakikilusin ng ahensiya ng gobyerno ang TESDA Technology Intsitutions (TTIs) upang maisagawa ang competency assessments and skills training ng mga benepisaryo.
 
PNA/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon