TRADITIONAL JEEPNEY, PINALAWIG PA ANG OPERASYON, MODERNIZATION TARGET MAIPATUPAD SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney para mabigyan ng sapat na panahon ang kanilang mga operator na sumunod sa modernization program ng gobyerno. Ang pagpapalawig ng Provisional Authority (PA) para sa mga tradisyunal na jeepney ngayong taon ay nakapaloob sa LTFRB Memorandum Circular No. 2023-013 na nagsasaad din ng pangangailangan ng mga operator at tsuper ng mga tradisyunal na jeepney na magsanib sa mga kooperatiba o magsama-sama upang lumikha ng mga korporasyon.

Ang pagsapi sa mga kooperatiba o korporasyon ay magbibigay daan para sa mga tsuper at operator ng mga tradisyunal na jeepney na masakop ng pagpapalawig ng deadline sa Disyembre 31, 2023.
Ang mga operator at driver ng mga tradisyunal na jeepney ay binibigyan ng hanggang Hunyo 30 para sumali sa mga kooperatiba at korporasyon. Nilinaw din ng LTFRB na ang mga kooperatiba at
korporasyon ay dapat accredited ng Office of the Transport Cooperative (OTC) o humingi ng rehistrasyon sa Securities and Exchange Commission (SEC) hanggang Agosto 31 ngayong taon.

Idinagdag nito na ang mga bagong kooperatiba at korporasyon ay kailangang maghain ng Application for Franchise Consolidation hanggang Oktubre 31 ngayong taon upang mapalawig ang kanilang Provisional Authority. Nangako ang LTFRB na tulungan ang mga maliliit na operator ng mga tradisyunal na jeepney sa programa ng gobyerno sa modernisasyon ng mga pampublikong
sasakyan, kabilang ang pagtatayo ng mga kooperatiba at korporasyon upang gawing mas madali
para sa mga maliliit na jeepney operator na lumipat sa mga modernong jeepney.

Noong Pebrero 6, pinalawig ng LTFRB ang prangkisa ng mga tradisyunal na jeepney bilang
pagsasaalang-alang sa isang malaking bilang pa rin ng mga tradisyunal na operator ng jeepney na hindi pa sumusunod sa mga probisyon ng batas sa modernisasyon ng public utility vehicle. Ayon kay Jude G. Wal, chairman ng Cordillera Basic Sectors Transport Cooperative (CBSTC), kung titignan ay napag-iwanan na ang Pilipinas kumpara sa mga transportasyon ng ibang bansa kaya napakahalaga at maganda ang hangarin ng gobyerno na modernisasyon.

“Whether we like it or not, nahuhuli na tayo at nakikita natin ang epekto unang-una sa climate change. Yoong after effect sa health ay matagal, hindi marerealize agad ng mga tao pero kung papansinin ay nararamdaman na natin. Yoong carbon emission kasi, if we look at our city, karamihan yan nanggagaling sa traditional na sasakyan either passenger utility jeep, old private vehicles or mga truck. Actually, kapag i-park mo ung white na sasakyan sa labas kinabukasan itim yan including ung mga sampay natin,” pahayag ni Wal.

Dagdag pa niya, “ang Cordillera Basic Sectors Transport Cooperative (CBSTC) ay mayroon ng 37
modernized vehicles na bumibiyahe sa Baguio City na ang ruta ay Aurora Hill (18 units), Trancoville (15 units), at Dominican (4 units). Ayon naman kay Zenaida Gullay, manager ng Transport Service Department, ang Bamapcom Entrepreneurs’ Multipurpose Cooperative (BEMC) ay may walong rutang na consolidate na. Ito ay sa Aurora Hill, Trancoville, Crystal Cave, City
Camp, Campo Sioco, Longlong, Tomay, at La Trinidad.

Aniya, ang isang unit ay nagkakahalaga ng P2.6 million hanggang P2.7 million naka-depende sa klase ng unit na bibilihin. Sa ngayon ay hindi pa sapat ang mga nabiling mga modernized na sasakyan kaya hindi pa maaaring tanggalin ang mga lumang jeep dahil magkakaroon ng problema sa p a m publikong transportasyon. Ayon kay Raymond Mendoza, jeepney driver na biyaheng Aurora Hill, hindi siya pabor sa jeepney modernization, dahil masyadong malaki ang quota
ng mga modernized na sasakyan kumpara sa jeep.

“Sa modernized kasing sasakyan ay P5,000 per day ang quota at kapag jeep ay 600 lang ang
boundary ko araw-araw.” Ayon naman kay Lorenzo Viernes, modernized jeepney driver, kung tutuusin ay mas malaki talaga ang kinikita ng mga jeepney drivers. “Sa jeep boundary lang eh kaya kapag napalabas na nila yoon malaki na ang sosobra sa kanila pero ang kaibahan lang ung safety ng
mga pasahero at kapag mainit ay mas maganda itong modernized jeepney,” paliwanag ni Viernes.
At kung tatanungin naman ang mga pasahero, ay pabor sila sa jeepney modernization.

“Sa akin okay lang dahil sa panahon ngayon nagiging modernize na rin tayo.  Kung tutuusin mas convenient at marami ang capacity lalo na’t araw-araw akong nagco-commute papuntang work. Okay rin siya lalo na kapag mainit,” pahayag ni Sheryl Catalino, residente ng La Trinidad. Ayon pa kay Wal, ang CBSTC ay nangangailangan ngayon ng 100 drivers, na ang starting salary ay 700.00 daily. Mayroon din silang benepisyong SSS, PhilHealth, PAG-IBIG Fund, at retirement benefits. “May quota sila every day at may intensive sila doon. Let’s say, ang minimum collection nila per day is 6,500 so may 700 sila.

Kung naka medium collection naman sila sa araw na yon which is 7,000-8,000, ay may dagdag sa
700 na kita nila na 30% which is additional 300 pesos direct sa kita.“At kung na-reach naman nila ang maximum na quota ay mas malaki ang intensive na makukuha nila. Halimbawa, 8,000 pataas yoong na quota nila sa araw na yon, so may 50% sila doon and that’s additional 500 pesos sa sahod nila,” paliwanag pa ni Wal.

Franz Angielyn Olarte-UB Intern

Amianan Balita Ngayon