Trapiko at kakulangan ng parking area, reklamo ng tao

Sep 25, 2017

“Bakit walang nagtatrapik na pulis, walang maparadahan, ano ba yan?” Ito ang kadalasang nagiging bukang bibig ng mga tao o ng mga motorista kapag sila ay nagkakaroon ng problema sa parking at trapiko.
Hindi lang mga residente ng Baguio at Benguet ang nagrereklamo, maging mga turista o bisita sa lungsod ay ito ang kadalasang reklamo nila. Bakit daw bawal ang magparada sa Session Road kapag 4pm na at umaalis na ang mga nakaparada na ikot ng ikot sa mga daan na kung saan ay dagdag pa sa volume ng trapiko na umiikot sa central business district (CBD), ang resulta… ayan sobrang trapik.
Mainam din ang panukala ni Ms. Venus Tan ng Turismo na ang mga turista na iwan ang kanilang mga sasakyan sa mga hotel at maglakad papunta sa mga mall, sa central business district, o sa mga parke ng lungsod, subalit hindi lahat ng turista ay kayang maglakad sa pataas at pababa na daan ng lungsod.
Ang isang suggestion ng isang residente ng Baguio ay magtalaga ng pwedeng pagparadahan sa CBD at sa loob ng Burnham Park na may bayad kada oras, isang napansin ng inyong lingkod ay ang parking area sa may Ganza, kung puno naman sa loob ay payagan ng magpark sa kahabaan ng Lake Drive sa isang bahagi upang magamit ito ng mga motorista na magpark.
Sa mga pulis naman, napansin ko lang na kapag sumasapit ang alas 4 ng hapon ay mas masipag pa silang magtanggal ng plaka kaysa magsagawa ng pagtatrapik, na kung saan ay ito ang ‘rush hour’ ng mga tao at ng mga sasakyan. Tuloy nababansagan sila na naghahabol ng quota para makalikom ng pampasweldo sa kanila ng lungsod.
Sana naman ireview ulit ng BCPO at ng city government ang kasalukuyang umiiral sa traffic scheme kasi sa pagkakaalam ko ito ay bunga ng isang ‘experimental’ lamang, meaning kung nagiging problema dapat irevise ng naayon sa ikagaganda ng trapiko sa lungsod.
May isang pulis na opisyal diyan sa trapiko na tila mabagsik daw magtanggal ng mga plaka at walang konsiderasyon. Sabi ko, hayaan niyo na at magreretire din yan at magiging ‘citizen’, tignan niyo kawawa lang yan dahil sa ginagawa niya kapag hindi na siya pulis dahil imbes na pakisamahan siya iiwasan siya ng mga taga-Baguio.
Hindi ko naman nilalahat ang pulis, mas marami ang matino sa mga taga-Baguio na pulis kung ikumpara sa ibang lugar gaya ng Caloocan, mas madaling kausapin ang mga pulis-Baguio pero talagang may ilan lang diyan na ‘istrikto’ raw.
Ang saganang akin lang ay tutukan sana ng mga pulis trapiko ang problema sa trapik at maging considerate sa mga parking areas lalo na kung yung lugar ay hindi naman ‘choke point’ area hayaan na natin na gawing parkingan kaysa sa ikot ng ikot, iyan pa ang makakadagdag sa volume ng trapiko. TFP

RELATED POSTS

KALAMIDAD KAKAMBAL NG TRAHEDYA

Di pa nakakalayo ang bagyong Karding, pumasok na naman ang isa pang sungit ng panahon sa dulong Luzon. Buti na lamang at pa-exit na habang...

IT IS WAR

A Regional Trial Court in Manila has just rendered a decision that the Communist Party of the Philippines and the New Peoples Army...

THE MAKING OF FESTIVAL

The gongs will sound anew for Tam awan Village for the 12th TamAwan International Arts Festival (TIAF) on October 5 to 9, 2022. Heritage,...

BAGONG MUKHA NG UMAGA

WALA NG PAGAGAM ang buong kamunduhan na papalapit na ang bagong umagang matagal ng hinihintay, ang tuluyang pagtuldok sa pandemyang lampas...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest