Turistang Iloko ‘welcome’ sa Baguio

Capital ang pintuan mula sa mga turista lamang sa Rehiyon 1 (La Union, Pangasinan, Ilocos Sur, and Ilocos Norte) simula sa Setyembre 21, bilang ikalawang bugso sa pagbubukas ng turismo tungo sa “new normal” para maihaahon ang ekonomiya sa lungsod.
Ang gradual opening ng turismo ay nilagdaan sa pamamagitan ng Memorandum of Understanding (MoU) matapos ang pagpupulong ng mga local executives’ ng Rehiyon 1, mga tourism stakeholders sa harap ni Department of Tourism Secretary Bernadette Puyat, na ginanap sa Baguio Country Club, bilang bahagi ng 111th Chartered City celebration noong Setyembre 1.
Pinangunahan ni Mayor Benjamin Magalong ang paglagda sa MOU, kasama sina Ilocos Sur 2nd District Rep. Kristine Singson-Meehan, Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson, Pangasinan Gov. Amado Espino III at Ilocos Norte Gov. Mathew Joseph Manotoc, bilang patunay sa pagkakaisa na maisulong ang turismo ng bawat lugar sa pamamagitan ng binuong
Baguio-Region I Tourism Corridor tungo sa dahan-dahan, maingat at kaligtasan ng bawat isa sa pagsisimula ng pagbubukas ng tourism industry sa Northern Luzon.
Noong Setyembre 1, unang pinayagan ng city government ang pagbubukas ng mga pangunahing tourist spots na gaya ng Burnham Park, Wright Park, Dominican Heritage Hill and Nature Park at Mines View Park, para sa mga local residents lamang upang makadama ng relaxation, mag-enjoy, lalo na ang mga kabataan na nakulong sa bahay mula sa implementasyon ng community quarantine.
Sa pamamasyal, mahigpit din ang pagbabantay ng pulisya sa mga parke para masiguro na nasususnod ang mga health protocols. Ang mga turista naman na mamasyal sa Baguio City ay kailangan munang mag-rehistro through online sa pamamagitan ng VIS.I.T.A app (Visitors Information and Tourist Assistance) mula sa kanilang android at IOS cellular phones bilang paniguro na masunod ang health protocols na ipinaiiral sa lungsod.
Ang turista ay hindi pinapayagan na makituloy sa bahay ng kamag-anak o’ kaibigan, bilang health precaution.
Kapag na nakapag-rehistro na ay kailangang naka-booking din sa hotel na tutuluyan na binigyan ng Certificate Authorizing Operation (CAO) ng Department of Tourism at local government. Ang turista ay hindi basta-basta makakagala lamang, dahil kailangan may kasama silang accredited tour agency para mamahala sa kanilang itinerary.
Pagdating sa borders, ang turista ay dadaan sa triage at sasailalim sa COVID-19 swab test mula sa kanilang sariling gastos at magaantay ng resulta habang sila ay nasa hotel. Kapag negative, ang turista ay puwede ng mamasyal, pero kapag positive ay agad na gagabayan ng LGU at ng hotel management.
Hangad ng city government na masiguro ng mga establishment ang health standards, samantalang ang mga tour agency naman ang magmo-monitor sa mga itinerary para maiwasan na apuntahan ang mga prohibited places.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, ang siyudad at apat na lalawigan na may mababang kaso ng COVID-19 ay nagkaisa na gawin ang ay “bubble” tourism corridor, na ang bawat residente ay pinapayagang mamasyal sa gusto nilang puntahan.
“This is just a start but we can expand to cover and allow those from other areas as we progress to the full opening of tourism under the new normal,”pahayag pa ni Magalong.
ZC/ABN
 

Amianan Balita Ngayon