Vaccine acceptability ng mga hospital workers sa Baguio tumataas

LUNGSOD NG BAGUIO – Kapansin-pansin ang pagtaas ng pagtanggap ng mga manggagawa sa mga ospital sa coronavirus disease (COVID-19) vaccines na resulta ng matagumpay na roll-out ng
programa sa pagbabakuna sa lungsod.
Sinabi ni Mayor Benhjamin Magalong na ang respsonde sa roll-out ay naging maganda at ang antas ng pagtanggap ay tumaas din base sa mga survey na isinagawa sa mga manggagawa ng mga ospital. Sinabi niya na base sa mga survey na ginawa upang madetermina ang antas ng pagtanggap at ang ninanais na brand ng mga manggagawa sa ospital bilang mga nasa unang linya na tatanggap ng mga bakuna.
Inihayag niya na sa umpisa, ang antas ng pagtanggap ay 48 porsiyento lamang dahil karamihan ng mga respondents ay atubili tungkol sa bakuna. Gayunman, matapos ang isang serye ng pakikipag-usap at impormasyon, edukasyon at komunikasyon (IEC), umakyat ito sa 69 porsiyento na naging 80 porsiyento at kalauna’y 90 porsiyento.
Subalit nang dumating ang Sinovac na siyang naunang nakahandang bakuna sa bansa ay bumaba ang antas ng pagtanggap.,
“In fact, in one hospital where a total of 374 workers were surveyed, 373 refused and only one agreed because of Sinovac. But after the initial roll-out, we were surprised that the number was reversed. Only one refused to take the vaccine and 373 agreed even if it is Sinovac,” ani mayor.
“Our experts are correct in saying that the best vaccine is the one that is available now. So I encourage our health workers and those in the priority list to take advantage of the vaccines once their turn to be vaccinated comes,” dagdag niya. Sinabi niya na ang pagbabakuna sa mga health workers ay magpapatuloy sa susunod na dalawa o mas higit pang mga linggo at inaasahan nila na aabot sa 80 hanggang 90 porsiyento ang target na bilang sa mga susunod na araw, salamat sa mga aloksayon na bakuna mula sa pambansang gobyerno.
(PR/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon