Mga negosyo sa Baguio na may case clusters sinabihang paigtingin ang anti-COVID measures

LUNGSOD NG BAGUIO – Matapos makuha ang pangako ng mga business process outsourcing (BPO) companies na tugunan ang biglang pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19), nakipagkita ang pamahalaang lungsod noong Marso 9 sa iba’t-ibang establisimiyento ng negosyo na may clustering of cases sa nakaraang mga araw upang gabayan sila sa pagsasagawa ng mga hakbang upang makontrol ang paglaganap.
Sinabi ni City Permits and Licensing Officer Allan Abayao na may kabuuang 11 establisimiyento na kabilang sa apat na grupo na may case clusters ang dumalo sa pagpupulong na ipinatawag ni Mayor Magalong upang putulin ang transmisyon. Habang nangyayari ito, ang BPO at iba apng kompanya na tinamaan ng “outbreak” ay nag-umpisa nang sumunod sa kanilang mga pangako.
Sinabi ni Abayao na ilan ay nagpatupad ng agresibong testing at pinalakas ang kanilang safety measures para sa kanilang mga empleyado. Ipinahayag din nila ang kanilang pasasalamat sa paggabay na ibinibigay ng pamahalaang lungsod upang maisagawa ang preventive measures na ito.
Sa pinakahuling pulong ay nangako ang mga may-ari ng establisimsiyento na ipapatupad ang mga pamamaraan upang mahadlangan ang mas lalo pang impeksiyon sa mga sumusunod: *Magsagawa ng isang pagpupulong lkasama ang tenants at lesees upang marepaso at mapahusay ang kanilang health and safety potocols; *Magtalaga ng health protocol officers upang masiguro ang mahigpit na implementasyon ng protocols; *Ipatupad ang building policies na nauugnay sa new normal operations at isama ito sa kanilang lease contracts; *Magsumite ng iskedyul ng quarterly testing gamit ang antigen o pooled method; *Siguruhin na ang kanilang mga trabahador na nakatira sa labas ng lungsod ay nakakasunod sa entry protocols ng lungsod; *Iparehistro ang kanilang mga empleyado sa StaySafe and Baguio in my Pocket applications para sa mas madaling contact tracing.
Para sa mga BPO, ang pagsunod sa mga kasunduan ay imomonitor ng Opisina ng Mayor sa pamamagitan ng Permits and Licensing Division, ng Management Information Technology Division at ng City Health Services Office through the Sanitation Division.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon