16 anyos, arestado sa kasong pagnanakaw

Isang child in conflict with the law (CICL) ang inaresto noong Oktubre 19, 2017, dakong 2pm, sa Social Development Center (SDC), Balenben Irisan, Baguio City.
Ang arrest warrant ay inihain ng mga miyembro ng Station 6 ng BCPO sa 16 anyos na binatilyo na residente ng Purok 5 Kias, Baguio City.
Ang warrant ay inilabas ni Judge Ivan Kim B. Morales, ng RTC Branch 59, sa kasong Robbery with Force Upon Things sa ilalim ng Criminal Case No. 243-2017 na may inirekomendang piyansa na P10,000.
Ang menor de edad ay nananatili sa kalinga ng Social Development Center (SDC).

Amianan Balita Ngayon