2 wanted sa child abuse, nasakote

LA TRINIDAD, Benguet – Dalawang most wanted na kapuwa may kasong pang-aabuso sa menor-de-edad sa ilalim ng Republic Act 7610, ang magkahiwalay na nadakip ng mga tauhan ng Benguet Provincial Police Office. Nabatid kay Benguet PPO Director Col.Reynaldo Pasiwen, ang online seller na si Jaypee Abance De Guzman, 26, ay nadakip ng Tuba Mps ssa kasong paglabag sa Anti Child Pornography Act (RA 9775) na inireklamo ng isang 16 year-old female.
Ayon kay Pasiwen, si De Guzman ay nakatala bilang No.5 TMWP (Provincial Level) ay nadakip sa bisa ng warrant of arrest sa may waiting shed malapit sa kanyang bahay sa Penged, Nangalisan,Tuba.
Ang No. 9 wanted na si Marcelo Nanglegan Bin-ong, 30, ay natunton sa kanyang pinagtataguan sa Asaclat, Nagtipunan, Quirino at nasakote sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Branch 9, RTC,La Trinidad, Benguet.
Si Bin-ong ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 or Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act sa La Trinidad,Benguet.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon