21 patay sa leptospirosis sa Pangasinan

LINGAYEN, PANGASINAN – Nakapagtala ang Pangasinan Provincial Health Office (PHO) ng 137 mga kaso ng leptospirosis sa probinsiya mula Enero 1 hanggang Agosto 13 ngayong taon, kumakatawan ng 90 porsiyentong pagtaas mula sa 72 mga kasong naitala sa parehong period noong nakaraang taon.
Ipinalaam ni Dr. Anna Teresa De Guzman, provincial health officer, na mayroon nang 21 na namatay dahil sa leptospirosis ngayon taon, kontra sa 10 lamang ng parehong panahon noong 2017.
Karamihan ng mga biktima, aniya, ay mga lalaki sa pagitan ng 15 hanggang 24 anyos.
Masusing sinusubaybayan ng PHO ang mga bayan at lungsod na may mataas na bilang ng mga kaso ng leptospirosis tulad ng Binmaley na mayroong 13 cases; Mangaldan at Mangatarem na may pitong kaso bawat isa; Sual na may anim na kaso; Calasiao at San Fabian na may tig-limang kaso; Manaoag, Sta. Barbara, Umingan at Urdaneta City na may apat na kaso bawat isa.
Ang Dagupan City, na chartered city ng probinsiya, ay nakapagtala ng 34 kaso ng leptospirosis at may apat na namatay mula Enero 1 hanggang Agosto 13 ngayong taon.
Binanggit din ni De Guzman na ang mga kaso ng leptospirosis sa Pangasinan ay tumaas noong nakaraang buwan, nang matinding pagbaha ang naranasan ng probinsiya dahil sa malakas na southwest monsoon rains.
“Seek early consultation. Do not self- medicate if flu-like symptoms are being experienced. Wear boots if there is flooding in your area. If you cannot avoid soaking in the flood waters make sure to take prophylaxis for leptospirosis, which you can ask from your health center,” aniya.
Binigyang-diin din ni De Guzman ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran upang maiwasan ang sakit. “Clean your surroundings. Throw your garbage properly, so there will be no rats in your area,” aniya.
“Eat vegetables, fruits and drink plenty of water, so that your immune system will be strong,” dagdag ni De Guzman. H.AUSTRIA, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon