3 miyembro ng Robbery Gang, nasakote

LA TRINIDAD, Benguet – Tatlong miyembro ng Pineda Robbery Group na sangkot sa mga serye ng robbery, carnapping, illegal drugs trafficking na may operasyon sa Angeles City at karatig-lalawigan, ang nasakote ng mga operatiba ng Benguet Provincial Police Office.

Bago sa pagkakaraesto sa mga suspek, nabaitd kay Police Colonel Elmer Ragay, provincial director, na pinasok ng mga suspek ang bahay ni Police Colonel Wilfredo Cayatat sa Sitio Bayacsan, Barangay Taloy Sur, Tuba, Benguet, noong umaga ng Oktubre 4 at tinangay ang mahahalagang kagamitan na umaabot nsa mahigit P100,000, lulan ng isang ToyotaInnova colored Silver Gray with plate ABR 8097.

Sa imbestigasyon, nakilala ang mga suspek sa pamamagitan ng closed-circuit television (CCTV) camera at natunton ang pinantataguan ng mga suspek sa tulong ng mga tauhan ng CIDG -CFU at PNP Angeles City, Pampanga.

Ayon kay Ragay,unang nadakip noong gabi ng Oktubre 9 si Lady Bundalian Ronquillo, 28, ng 4228 Gail St. Nepo Subd, Barangay Cutcut, Angeles City sa loob ng sasakyan na nakaparada sa may San Vicente St., Barangay Tabun, Angeles City.

Kinabukasan ng umaga, nadakip naman ang suspek na si Brian Gomez Baesa, 34,ng 3239 San Fabian St., Barangay San Jose, Angeles City, matapos ituro ni Ronquillo at kinahapunan ay nadakip ang ikatlong suspek na si Roland Mendoza Guevarra, 52, ng District 5, Barangay Pandacaqui, Mexico, Pampanga.

Ayon kay Ragay, ang mga suspek ay sinampahan na ng kasong Robbery with Intimidation and Carnapping,kaugnay a hindi nito pagsauli sa inarkilang sasakyan na ginamit sa pagnanakaw.

Labis na pinuri naman ni Police BGeneral Israel Dickson, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, ang mga operating units sa agarang pagkakadakip sa mga suspek at hinimok ang mga kapulisan na doblehin ang kanilang abilidad na mahuli at masugpo ang mga masasamang-loob sa rehiyon.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon