5 huli sa drug buy-bust operation sa La Union

LUNGSOD NG BAGUIO – Nasakote ng mga operatiba ng Bacnotan Police ang limang katao sa isang drug buy-bust operation bandang 5:00 ng hapon noong Marso 3 sa Barangay Bitalag, Bacnotan, La Union.
Kinilala ang mgas suspek na sina Andrew Ordonio, isang residente ng Barangay Pantar; Richard Tangalin ng Barangay Camiling; Nely Reyes ng Barangay Antonino, bayan ng Balaoan; Raiza Pangan ng Barangay Parian, sa Bacnotan din; at Richard Chan ng Barangay Dalumpinas sa San Fernando City, La Union.
Sinabi ng Bacnotan police na isang drug sting operation ang inilunsad sa Barangay Bitalag kung saan isang poseur buyer ang nakabili ng shabu mula kay Reyes. Nakuha sa kaniya ang PhP5,000 bills, cellphone at isang motorsiklo.
Isang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang sahbu ang nabili mula kay Chan. Nakumpiska mula sa suspek ay dalawang sachet ng shabu, cellphone at isang PhP500 bill. Gayundin, nakabili ng
shabu mula kay Pangan.
Sa operasyon ay nahuli rin sa lugar ng buy-bust sina Tangalin at Ordonio at dinala rin matapos nasa lugar sila at may sahbu din na nasmasam sa kotse ni Tangalin. Sina Tangalin, Pangan at Reyes nahuli sa nakaraan dahil sa iligal na droga, dagdag ng police.
AAD/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon