Market vendors, bangkero sa Dagupan City tumanggap ng tulong pinansiyal

LUNGSOD NG DAGUPAN, Pangasinan- May 600 na market vendos at 400 na bangkero sa lungsod na ito ang tumanggap ng kanilang tulong pinansiyal na PhP5,000 bawat isa at grocery items na mga delata, bigas, noodles at vitamins mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at opisina ni Senator Christopher ‘Bong’ Go.
Sinabi ni DSWD Undersecretary Aimee Neri na ang probisyon ng tulong sa mga residente ng Dagupan ay bahagi ng programa ng senador na tinawag na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS).
“Ito’y (financial assistance) tulong pantawid na handog ni Pangulong Duterte na inisyatiba ni Senador Bong Go, dahil alam po namin na kayo (market vendors and boatmen) ay hirap makabangon dahil sa pandemya,” ani Neri.
Ang pamamahagi ng tulong pinansiyal na ginawa noong Biyernes (Pebrero 26) sa City Plaza dito ay personal na inihatid ni Senator Bong Go kasama ang mga opisyal ng ibang ahensiya ng gobyerno.
Sa kaniyang talumpati ay sinabi ni Go na ang tulong na bigay ng gobyerno ay nais palawigin ang tulong sa mga indibiduwal na naapektuhan ang normal na paggawa dahil sa pandemya.
“Nabalitaan ko po na apektado ang inyong negosyo, pagtitinda at inyong kabuhayan dahil sa pandemya. May konti po kaming dalang tulong. Mayroong programa ang DSWD na tinatawag na AICS. Ito po ay programa ng national government kung saan bibigyan po kayo ng tulong ng DSWD na financial assistance,” pahayag ni Go.
Nagbigay din si Go ng food packs, face shields at pagkain gayundin ng mga computer tablet, pares ng mga sapatos at bisikleta sa mga benepisaryo.
Ang programang AICS ay ang protective service program ng DSWD para sa mahihirap, marginalized at vulnerable o disadvantaged individuals.
Sa kasalukuyang pandemya, sa pamamagitan g programa, ang gobyerno ay patuloy na nagbibigay ng tulong sa karapat-dapat na mga tao sa anyo ng cash o grocery items.
EMSA-PIA Pang/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon