5 KATAO PATAY SA DENGUE

BAGUIO CITY – Bukod sa kinakaharap na suliranin sa kaso ng COVID-19 ay nahaharap naman ngayon ang siyudad sa pagtaas ng bilang ng dengue cases at nakapagtala ng 5 deaths mula sa kabuuang 416 cases mula Enero 1 hanggang Hulyo 17,2021.
Ang biglaang paglobo ng dengue cases ay tatlong beses ang itinaas mula sa 103 cases noong nakaraang taon. Ang dengue clustering of cases ay naitala mula sa 19 barangay sa lungsod.
Sinabi naman ni Mayor Benjamin Magalong, ang mushrooming cases ng dengue fever sa siyudad ay karagdagan sa banta sa city’s health care system sa kinahaharap na paglaban sa COVID-19 pandemic.
“We have lots of challenges ahead because as we continue to have COVID-19 cases amid the looming threat of the more harmful variants, we are also faced with increasing cases of dengue which is taking toll on our hospital care system.”
Aniya, kailangan umanong maibaba ang kaso ng dengue,uang hindi ito magng sagabal sa paghahanda laban sa Delta variant, kaya’t panawagan nito sa mga residente na mag-ingat, hindi lamang sa dengue, kundi maging sa COVID.
Humiling na ng funding ang City Health Service Office sa Department of Health para sa augmentation ng supplies na panlaban sa mosquito-borne disease.
Nanawagan din si City Health Officer Dr. Rowena Galpo sa mga barangay at residente na doblehin ang kanilang kakayahan para labanan ang dengue.
Ayon naman kay SLU Hospital of the Sacred Heart Medical Director Dr. Paul Quitiquit, ang kanilang ospital ay dinagsa ng mga pasyente na biktima ng dengue at naitala ang 80 kaso sa loob lamang ng nakaraang anim na linggo o’ dalawang pasyente kada araw.
“We predict this to increase further in the weeks to come specially with the start of the rainy season. We have our hands full with COVID and now with dengue. We anticipate already shortage in rooms and shortage of platelets for severe dengue cases. May we also look on how we can address this problem so we can prepare already for the possible increase,” pahayag ni Quitiquit.
Zaldy Comanda/AB

Amianan Balita Ngayon