6 kadete kulong ng habambuhay

BAGUIO CITY — Bukod sa pagkakasibak sa Philippine Military Academy, ay posibleng makulong ng habambuhay ang anim na kadete, kapag napatunayang nagkasala sa pagkamatay ni 4th Class Cadet Darwin Dormitorio, 20, ng Cagayan de Oro City,noong Setyembre 18.
Sa naunang media briefing na isinagawa noong Setyembre 24, sinabi ni Commandant of Cadets Brig. Gen. Bartolome Baccaro, na sina Cadet 3rd class Shalimar Imperial; Cadet 3rd class Felix Lumbag, ay inalis sa akademya dahil sa direct participation in Dormitorio’s maltreatment, kasama sina Cadet 1st Class Axl Rey Sanupao, na naghimok sa maltreatment at squad leader Cadet 2nd class Nickoel Termil, bilang command responsibility.
Habang dumadami ang testigo sa masusing imbestigasyon na isinasagawa ng Baguio City Police Office, ay sinabi ni City Director Allen Co, na dalawa pang 3rd Class Cadet ang naidagdag na suspek o’ derektang nanakit din sa biktima, na pawang mahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Hazing Law.
Suspendido naman ang iginawad kina Cadet 1st Class Irvin Sayud, platoon leader at Cadet 1st class Elbert Lucas, commanding officer, samantalang si Cadet 1st Class Christian Correa , floor inspector, ay naparusahan ng class 1 offense o’ katubas ng demerits at confinement sa holding center ng academy.
Nauna ng sinibak sa puwesto noong Setyembre 20 mula sa Tactics Group na kinabibilangan nina Major Rex Bolo at Captain Jeffrey Batistiana, kabilang sina PMA hospital, commanding officer Colonel Cesar Candelaria at ang attending physician na si Captain For Apostol, na nahaharap sa kasong administrative.
Hawak na din ngayon ng pulisya ang isang ebidensya na tactical flashlight with a taser, na ginamit para koryentihin ang ari ng biktima, base sa lumitaw na autopsy na isinagawa ng PNP Crime Laboratory Service.
Ayon kay Co, ang nasabing taser ay palihim na naipasok sa akademya, dahil hindi ito isyu o’ kasama sa mga gamit na ibinigay sa mga kadete.
Aniya, inaantay na lamang nila ang pamilya ni Dormitorio para personal na maisampa ang kaso sa Prosecutor’s Office at mailabas ang warrant of arrest,para tuluyang ng makulong ang mga suspek sa Baguio City Jail.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon