7 DRUG PERSONALITIES ARESTADO, P2M MARIJUANA SINUNOG

LA TRINIDAD, Benguet – Sa patuloy na anti-illegal drug operations sa Cordillera Region, naaresto ang pitong drug personality at sinunog ang P2,506,000.00 halaga ng mga halamang marijuana sa isang linggong operasyon na isinagawa mula Hulyo 31 hanggang Agosto 6. Sa talaaan ng Police Regional Office-Cordillera’s Regional Operations Division (ROD), ang Baguio City Police Office ang may pinakamataas na bilang ng mga naaresto ng anim na drug personalities na sinundan ni Apayao PPO na may isang naarestong drug personality.

Kinilala ang mga naarestong personalidad na sina Marivic Rodriguez, 61; Cherry Alsim, 37; Carlito Javier,
43; Joel Sales, 37; Margie Maaba, 44; at Carie Maaba, 42. Sa Apayao, kinilala ang naarestong personalidad na si
Claridel Mangligot, 42. Ang mga serye ng antiillegal drug operations na isinagawa ay nagresulta sa pagkakasamsam ng kabuuang 18.4 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price na P125,120.00. Lahat ng mga naarestong suspek ay sinampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Sa patuloy na marijuana eradication operation, may kabuuang 12,000 fully grown marijuana plants (FGMJP) na
may SDP na P2,400,000.00 ang sinunog sa Kalinga. Sa isa pang operasyon, nasa kabuuang 480 FGMJP na may
SDP na P96,000.00 at 250 seedlings ng marijuana na may SDP na P10,000.00 ang winasak ng mga operatiba sa Benguet.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon