900 kaso naipila sa City Prosecutor’s office

LUNGSOD NG BAGUIO – Inihayag ng City Prosecutor’s office na mahigit sa siyam na raan na kriminal na kaso ang naipila sa pamamagitan ng regular filing o inquest proceedings sa nasabing tanggapan sa unang apat na buwan ng taong ito.
Sinabi ni city prosecutor Elmer Sagsago na 745 kaso ang naipila sa pamamagitan ng regular filing habang 155 kaso ang naipila sa inquest proceedings sa nasabing panahon ng kasalukuyang taon.
Sa 745 kaso na naipila sa regular filing, sinabi ni Sagsago na 505 kaso ay naipila sa iba’tibang korte na suportado ng kaukulang impormasyon habang 36 kaso ay nakabinbin pa rin para sa resolusyon sa nakatalagang mga prosecutor.
Sa mga kaso na idinaan sa regular filing sa prosecutor’s office ay kabilang ang 270 kaso ng estafa; 123 kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 22 o anti-bouncing check law; 26 kasong paglabag sa probisyon ng RA 9261 o anti-violence against women and children; 17 kasong paglabag sa child protection law; 16 kasong rape; 14 kasong theft; tig-pitong kasong illegal recruitment and robbery; 6 kasong carnapping; tig-5 kasong cybercrime and tax violations; tig-dalawang kaso ng illegal possession of dangerous drugs, murder, illegal logging at illegal possession of firearms, ammunitions and explosives; at tig-isang kaso ng homicide and kidnapping.
Sa kabilang banda, iniulat ng city prosecutor na napagpasiyahan ng mga prosecutor ang 155 kaso na naipila sa inquest proceedings.
Sa mga kasong naipila sa pamamagitan ng inquest proceedings ay kabilang ang theft na may 30 kaso; paglabag sa probisyon ng Republic Act (RA) 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Law – 22 kaso; paglabag sa probisyon ng RA 9262 – 15 kaso; illegal possession of firearms, ammunitions and explosives – 8; illegal gambling o paglabag sa probisyon ng Presidential Decree (PD) 1602 o ang Anti-Gambling Law – 7 kaso; rape – 5 kaso; robbery – 4 kaso; estafa – 3 kaso; paglabag sa child protection laws, homicide at carnapping – tig-2 kaso; at cybercrime at murder- tig-isang kaso.
Ipinaliwanag ni Sagsago na ang trabaho ng city prosecutor na siguruhin na ang mga kaso laban sa mga indibiduwal na maliwanag na nakagawa ng krimen ay maipila laban sa kanila upang harapin nila ang bunga ng kanilang nagawa habang ang mga kasong harassment laban sa mga indibiduwal ay para sa dismissal upang malinis ang mga pangalan ng mga nasasangkot sa mga nasabing kaso.
Inihayag niya na may 24 prosecutor ang nakatalaga sa city prosecutor’s office upang matiyak na lahat ng kaso ay naipila sa kanilang opisina sa loob ng prescribed reglementary period.
Tinukoy ni Sagsago na kung ang mga partido na sangkot sa isang kaso ay nakatira sa lungsod, ang prosecutor na nakatalaga ay may mandatong resolbahin ang kaso sa loob ng 30 araw habang kung ang isang partido ay nakabase sa labas ng lungsod, ang bilang ng araw para resolbahin ang kaso ay hanggang 60 araw.
Ang city prosecutor’s office ay isa sa mga haligi ng sistema ng hustisya ng bansa sa ilalim ng hurisdiksiyon ng departamento ng hustisya.
 
PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon