Abra top pols hiniling sa Comelec ang Cease and Desist Order vs CIDG

Dahil sa pakikialam at personal na involvement umano ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Abra Provincial Office sa pamumuno ni CIDG Director Amador Corpus sa serye ng nagaganap na kaguluhan ng magkaribal na partido ay humantong na sa barilan ang mga local na kandidato at suporter ng mga ito sa kasagsagan ng kanilang kampanya sa lalawigan ng Abra.
Dahil dito ay personal na naghain ng pormal na petisyon sina re-electionist at kasalukuyang Abra congressman Joseph Sto. Nino Bernos at Governor Ma. Jocelyn Valera-Bernos nitong nakaraang Huwebes sa tanggapan ng Comelec en banc via Chairperson Sheriff Abbas at hayagang inakusan na “undue and bias” ang CIDG Abra provincial office dahil sa kanilang pakikialam sa serye ng mga insidente na kinasasangkutan ng naglalabang partido at kanilang
mga supporter.
“This situation might get worse if it remains unchecked. I am reiterating my appeal to policemen and soldiers assigned in Abra ‘to follow their mandate,’” ani Gobernador Bernos.
Ipinunto pa ng mga ito ang nakasaad sa Criminal Investigation Manual ng Philippine National Police, na ang Municipal Police lamang ang tanging may jurisdiction sa mga nagaganap na insidente sa lalawigan na kasalukuyang iniimbistigahan.
“Despite that, the office of the CIDG Abra is dipping its hands on matters already beyond its jurisdiction and the latest incident on April 29, with personal involvement of congressional bet Victoria Seares-Corpus, wife of CIDG Director Police Maj. Gen. Amador Corpus,” dagdag na wika ng mga ito.
“It is not far stretched of the imagination to arrive at the conclusion that the CIDG Abra Provincial Office is being used for a political end,” nakasaad naman sa kanilang petisyon.
Matatandaan na nitong buwan ng January, sina barangay kagawad Jayron Martinez at Brix Donato ay nagsampa ng asunto laban kina Fernando Blaza, Jr. at Rowel Escalante matapos na pagbabarilin ang mga ito sa river bank sa barangay Collago, Lagayan, Abra na kung saan ay pamangkin umano ni Corpus ang kasalukuyang nakaupong mayor na si Jendricks Seares Luna.
Pero makaraan ng tatlong araw ay sina Blaza at Escalante naman ang sinamahan ng criminal case laban kay Martinez at Donato gamit ang mga documento mula sa CIDG.
Nitong April 18, isa na namang barilan ang naganap na ikinamatay ng isa at pagkakasugat ng isa pa matapos ang walang habas na pagpaputok ng baril umano ni barangay Chairman Dominador
Cardenas, na habang nasa prisinto ang abogado ng mga biktima na si Atty. Estelita Cordero ay isang police ang lumapit at nagpakilala na myembro ito ng CIDG.
Samantala, nitong April 23 ay 10 CIDG agent umano ang separate namang nagsasagawa ng imbestigasyon sa naganap na barilan sa pagitan nila Brgy Captain Walter Tugadi ng Budac, Tayum at Mayoralty Candidate Jose Mari Brillantes na kung saan ay nakuha ang matataas na kalibre ng baril sa bisa ng isang search warrant ang tatlong M-16 armalite riffle, apat na .45 kaliber at samu’t-saring
mga bala sa inabandonang Ford Ranger pick-up truck na pag-aari ni Daisy Madriaga, Secretary ng Municipal Council ng Lagayan, Abra na siyang ginagamit na pangampanya ni Brillantes.
Ang pinakahuling insidente naman ay nitong April 29, kung saan habang nangangampanya si Gov. Bernos sa barangay Laang, Lagangilang ay nagtungo ang mga armadong grupo na nakasuot
ng uniporme ng CIDG na may matataas na kalibre ng mga armas lulan ng apat na sasakyan at hinarang umano ang exit point ng venue kung saan nangangampanya ito na nagkaroon ng matinding tension.
Dito ay napag-alaman na ang isa sa mga sasakyan ay lulan sina Dolores town mayor Robert “JR” Seares, Jr. kasama ang kanyang kapatid na si mayoralty bet Ronald States at tiyahin nitong si Vicky Seares-Corpus na pinsan naman ni former Bangued town Mayor Ryan Luna.
Dagdag pa ni House of Representatives Committee on Public Order and Safety vice chairperson Bernos, na unprofessional ang ilang tauhan ng CIDG dahil sa pakikialam ng mga ito sa mga serye ng krimen at politika sa lalawigan.
Si Congressman Bernos ay brother-in-law ni Gov. Valera-Bernos na asawa ni La Paz town mayor Israel na pinatay sa Plaza sa sarili nitong hometown noong 2006 na hanggang ngayon ay nananatiling unsolved case.
 
Francis Soriano

Amianan Balita Ngayon