AMASONA SUMUKO SA ABRA

BANGUED, Abra

Bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Police Regional Office -Cordillera na tapusin ang Local Communist Armed Conflict (ELCAC) sa rehiyon, isang babaeng dating rebelde ang sumuko sa
lalawigan ng Abra noong Oktubre 12. Ang dating amasona ay isang 53-anyos na magsasaka at residente ng Bucay, Abra. Siya ay boluntaryong sumuko matapos ang serye ng negosasyon na isinagawa ng magkasanib na operatiba ng Abra Police Provincial Office (PPO), Regional Intelligence Division, Regional Intelligence Unit-14, RMFB15, SAF, at Philippine Army.

Sa kanyang pagsuko, ipinahayag nito ang kanyang suporta sa unification program ng National Task Force to End Local Communist and Armed Conflict (NTF- ELCAC) sa ilalim ng Executive Order No. 70 ng gobyerno at sa RLECC Resolution No. 6, series. ng 2021, o ang “Dumanon Makitungtung” (Come and Talk to villagers). Sumasailalim ngayon sa custodial debriefing ang dating rebelde sa Camp Colonel Adolfo Catriz Eufemio, Jr. sa San Jose Norte, Manabo, Abra.

TFP/ABN

Amianan Balita Ngayon