Author: Amianan Balita Ngayon

“Wag magsisi sa bandang huli, Pangasinense”

Nakaamba na naman ang panganib ng black sand mining sa Pangasinan. Nakaumang ang sakuna sa kalikasan, kabuhayan ng mga mangingisda at personal na kaligtasan, lalo na sa mga dalampasigan, ang proyektong Iron Ore Pangasinan Offshore Magnetite Mining na may kabuoang 9,252.4506 ektarya mula Sual, Labrador, Lingayen, Binmaley at Dagupan City. Nag-aaply ng Environmental Compliance Certificate […]

“Jueteng” alyas “Peryahan ng Bayan” sa Cagayan ECQ man o hindi”

Walang kasing lakas ng loob ang “jueteng” operation sa Cagayan kahit ang kapitolyo at dalawang bayan pa nito ay isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) o lockdown. Hindi magkamayaw ang pangongolekta “kubrador” ng Globaltech Mobile Online Corporation sa lahat ng bayan ng probinsya sa kabila ng napakabilis ang paglobo ng Covid-19 sa lugar at sa […]

“Tila ayaw nang magbago?”

Nagkamalay ako sa second district ng Ilocos Norte ng 70’s. Hindi na nagbago ang imahe ng National Irrigation Administration (NIA). Sa compound nito sa bayan ng San Nicolas, labas-pasok ang mga magagarang 4×4 SUV na wari’y mga opisyal ang lulan. Sa kabilang banda’y, mga magsasakang umaasa sa tubigulan at salat sa patubig sa sakahan. Maraming […]

”Ang sumusuko’y, ‘di nagwawagi”

May munting tagumpay na nakamit ang mga Isnag sa Kabugao at Pudtol sa Apayao kontra sa 150MW Gened Dam sa Apayao. Matapos ang isang araw na deliberasyon ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) en banc nitong Martes kasama ang 7 mga Ethnographic Commissioners, iniurong na ang Certification Precondition (CP) application ng Pan Pacific Renewable […]

“Mahigit isang taon pa ang bakunahan, Dios Mio!”

Hindi kaila sa buong bansa ang araw-araw na mahahabang pila sa mga lugar-bakunahan. Umulan, bumagyo’t bumaha, atubili ang taong magpabakuna, lingid sa binabanggit ng pamahalaan na malaki pa rin ang porsyentong ayaw magpaturok kahit mayroon namang nakastockpile na bakuna. Hindi lubos maisip na sa datos ni National Task Force (NTF) against Covid-19 Chief Implementer, Secretary […]

“Panahon nang buwagin ang dinastiya ng mag-amang Espino sa Pangasinan”

Hinog na ang panahon para sa mga makabago at dinamikong lider ng bayan at ninanais nang buwagin ang 1-taong rigodon ng mga Espino sa Pangasinan, isa sa mga pinaka “vote-rich” at pinakamalaking lalawigan sa Hilagang Luzon. Naghahain ng pagbabago ang Alyansang Guico-Lambino o “Aguila” ni Pangasinan 5th district Rep. Ramon Guico Jr. (“Mon-mon” o “Guapo”) […]

“Namumuo na ba ang hugis ng pulitika sa Abra?”

Ang kamakailang karumaldumal na pagpaslang sa isang barangay tserman ng isang barangay sa Bangued, ang capital ng Abra, ay hitik sa pahiwatig sa namumuong hugis ng eleksyon sa lalawigan sa 2022. Bukod sa alyado diumano itong si Lubong barangay tserman Robert Villastique ni Bangued mayor Dominic Valera at ang anak niyang si Gov. Joy Valera-Bernos, […]

“Elyu”

Binabagabag ang La Union ng masasalimuot na isyu. Una, kaguluhan ang banta ng “ex Lt. Col. Winston Magpali gun-for-hire group” na paunang nabayaran diumano ng P2M upang iligpit si 2nd District rep. Sandra Eriguel at dalawa pang pulitiko Pangalawa’y, ang kaso ng dating administrator ng San Fernando City – Gary Glen Fantastico– sampu ng isang […]

DENR, kanino ka ba pumapanig?

Naiipit sa naguumpugang bato ang national government, lalo ang ehekutibo, partikular ang DENR, sa Isyu ng OceanaGold Philippines, Inc. (OGPI). Dalawang taon nang paso ang kaunana-unahang Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) sa bansa — FTAA # 1— na ibinigay sa OGPI upang minahin ang kalupaan ng ng mga katutubo sa barangay Didipio, Kasibu, Nueva […]

“Hahayaan bang sumiklab muli and karahasan sa La Union?”

Nagbabadyang sisiklab muli ang karahasan sa La Union bago ang halalan sa 2022, kung ang “death squad” na pinapatakbo ng isang dating PNP Colonel ay papabayaang maghasik ng kaguluhan. “Well-funded” ang gun-for-hire group, na ilan lamang sa mga kasapi’y nahuli ng La Union police. Nagmamantini ito ng safehouses sa apat na bayan ng La Union […]

Amianan Balita Ngayon