“Panahon nang buwagin ang dinastiya ng mag-amang Espino sa Pangasinan”

Hinog na ang panahon para sa mga makabago at dinamikong lider ng bayan at ninanais nang buwagin ang 1-taong rigodon ng mga Espino sa Pangasinan, isa sa mga pinaka “vote-rich” at pinakamalaking lalawigan sa Hilagang Luzon.

Naghahain ng pagbabago ang Alyansang Guico-Lambino o “Aguila” ni Pangasinan 5th district Rep. Ramon Guico Jr. (“Mon-mon” o “Guapo”) katambal si Vice Gov. Mark Lambino.

Hangad ng “Aguila” na ibalik ang sigla ng ekonomiya ng Pangasinan, na minsa’y pumangalawa sa Cebu, ngunit nahulog na lamang bilang panganim. Ang pangarap ng “Aguila” sa lalawigan ay kahalintulad din ng “malaagilang” mithiin ni Davao Mayor Sara Duterte sa buong bansa, kanya’t pinangunahan din nila “Guapo” ang pag-udyok upang tumakbong Pangulo ng bansa si “Inday”.

Lahat ng mga bigatin ng pulitika sa Pangasinan ay pumanig na sa “Aguila”. Andiyan si ex-Deputy Speaker Conrado Estrella III, ex Alaminos City Rep. Arthur Celeste, dating three-time fifth district Rep. Mark Cojuangco, ex-Rep. Ranjit Shahani na anak ni dating Senador Leticia at pamangking ni dating Pangulong Fidel Ramos.

Nasa ilalim din mg pakpak ng “Aguila” sina first district Rep. Arnold Celeste, third district Rep. Rosemary Arenas at sixth district Rep. Tyrone Agabas. Kumpleto rekado na ba? Sa napakalakas na agos, hindi rin kaya mangingibangbakod na rin si fourth district Rep. Christopher George Martin de Venecia, anak ni dating House Speaker JDV at Cong. Gina? Tinalo na ni “Guapo” noong 2019 si Espino Jr. (“Amang”) sa 5th district.

Nais ding padapain ni “Guapo” si Espino III (“Pogi”) sa pagka- Gubernador sa kabila ng usapusapang susubok ulit si “Amang” (Espino Jr.) sa 5th district sa 2022, sa mithiing lalo pang pahigpitin ang kontrol nito sa Pangasinan.

Bukod sa anak ni “Amang” na Gubernador (“Pogi”), puntirya din ang isa pang anak nitong si Jumel Anthony ang second congressional district at asawang si Priscilla bilang Mayor ng Bugallon, na katabi lamang ng kapitolyong Lingayen.

Sa kabila nang ang pinapangarap lamang ni “Guapo” ay pagdugtongdugtongin ang 44 bayan ng Pangasina sa pamamagitan ng East-West Diversion Road; isulong ang eco-zone sa western Pangasinan, na kung maari sa Lingayen; at itayo ang international airport sa Alaminos— ang tourism mecca ng lalawigan.

Matayog na pangarap gaya ng binabaybay ng isang “Aguila”. Ibang-iba talaga sa tradisyunal na pag-iisip at pamumuno.

Amianan Balita Ngayon