Author: Amianan Balita Ngayon
LAHAT NALANG NAGMAMAHALAN?
February 11, 2023
NGAYONG darating na Martes – alam na natin kung anong petsa di ba? – sasambulat na naman ang hindi maiiwasang says at tuwa. Rosas, tsokolate, regalo, pantasya at intimasya, lahat na ibinigay, mapaligaya lamang si Mahal. Isang araw ng walang kapantay na ligaya, sulit dapat, hanggang sa dulo ng walang hanggan. Sa tunay na pagmamahal, […]
PANIBAGONG SIGLA AT SAYA
February 4, 2023
KAKAIBA ang mga naidaos na pagbangon nitong nakaraang linggo. Bumalik ang Panagbenga, ang taunang pagdiriwang ng Baguio Flower Festival na naisantabi lamang ng pandemyang humagupit ng lampas dalawang taon. Nitong Myerkoles, matagumpay na isinagawa ang muling paglunsad ng higit sa isang buwan ng pagdiriwang. Muli, sumambulat ang saya ng Panagbenga. Ipinarinig ang tugtog ng himnong […]
MGA PAGBABALIK
January 27, 2023
MAGANDA ang agos ng taon ngayong unang buwan. Palatandaan ito ng umaayos na pagbangon ng ekonomiya ng lampas dalawang taon nang sinasalanta ang Baguio sa pananalasa ng pandemya. Kung sabagay, daglian nating nararamdaman na si covid ay naghihikahos na, bagamat patuloy siyang banta sa kalusugan, hindi lamang sa atin, kundi sa iba pang panig ng […]
SINGHAP-SINGHAP
January 21, 2023
NAKAKAGULAT ang insidente ng mga kaso nitong huling tatlong araw. Akalain mo, zero case ng covid sa loob ng sunod-sunod na panahon nito lamang linggo. Nungka, nevah na kahit isang kaso man lang ay nasarhan ng pinto si Big C. Ang aking tinutukoy ay si Covid-19. Tatlong araw na bokya. Butata, kung basketball. Beklog kung […]
BAGONG KASO
January 14, 2023
KAKAUMPISA pa lang ng taon na brand-new pa naman, ginulantang na naman tayo ng dumadagundong na pagkabahala dahil sa isang balitang rumaragasa pa mandin. Dali-dali nating ginalugad ang iba pang pinagmumulan ng balita, na may suspetsang Fake News. Ang siste kasi, sa mga panahon ngayon at noon pa man, biglang celebrity status si Marites, kabi-kabila […]
PAGBABAGO O LUMANG BAGO
January 7, 2023
ISANG BUONG LINGGO, makalipas ang sumasabog na gabi ng pagsalubong sa bagong taon, ating binuno ang mga araw hanggan ngayon ang pagsunod sa nakagawiang kaugalian ang masusing pagharap sa bagong bukas ng 2023. Marami sa atin ang tiyak ng nakasulat ng tinatawag na New Year’s Resolutions, bilang pagtalima sa kautusan ng panahong palagiang idinidiin n […]
MANIGONG BAGONG TAON
December 30, 2022
ISANG BAGONG umaga ang bumulaga sa atin ngayong araw ng Linggo. Unang araw ng isang bagong taon. Sa marami sa atin, parang tatamadtamad pa tayo sa pag-bangon. Mahirap nga naman na pilitin natin ang katawang inumaga sa pagsalubong kagabi sa taong dumarating. Inumaga dahil sa walang puknat na kwentuhan, bidahan, pagsasaya, habang nilalaklak ang alak […]
MALIGAYANG PASKO
December 24, 2022
NGAYONG ARAW ng Pasko na, tila hindi pa rin magkandaugaga ang bawat pamilyang Pilipino, hindi lamang sa atin dito sa Baguio, kundi sa lahat ng sulok ng Pilipinas, bilang pagdiriwang ng pinakainaasam-asam na pagsilang n gating Dakilang Mananakop. Si Kristo ang dahilang ng selebrasyon na ito —na sa araw na ito, higit 2,000 taon na […]
PAGBABAGO
December 17, 2022
HABANG nalalapit ang Araw ng Pasko, bigaytodo namang pinaghahandaan ng bawat pamilya ang muling pagsalubong sa pagsilang ng Sanggol. Bakas ang pagka-tuliro ng bawat isa. Pawis ay tagaktak, ngunit hindi alintana. Para bang karera kailangang iwagi, unahan sa pila, huwag lamang mahuli. Ilan lamang ito ang mga eksena ng buhay Disyembre na syang ugat ng […]
TAAS, BABA SI C-19
December 10, 2022
PARA PA ring rollercoaster si covid dito sa Baguio. Nitong mga huling araw, mukhang bumababa na naman ang mga bagong kaso. Kahapon, 18. Nakaraang araw, 11. At Martes at Lunes, 20 at 13. Kakaiba noong nakaraang mga Linggo, na ang bilang ay nasa 30 hanggang 40. Medyo nakaka imbyerba ang listahan. Taas, baba, parang tsubibo […]
Page 5 of 16« First«...34567...»Last »