AYOS AT DAUSDOS NG PANAHON

BAGO ang lahat, ating alamin at kumustahin ang sitwasyon ng patuloy na nananalasang pandemya sa atin mismong
lugar, ang lungsod ng Baguio na sa unang araw ng Setyembre ay kanyang ika-113 na taon nga pagkakasilang. Nitong mga nakaraang araw, arya-abanteng pataas pa rin ang mga numero ng hawaan, gayung hindi lumalampas ang mga epekto sa Mild at Moderate.

Mula noong isang linggo, ang mga numero ng hawaan ay naglalaro sa 50-60 mga kaso. Araw ng pagkamatay ni Ninoy, 47; sa sumunod na araw, 52; umakyat muli noong August 23 sa 66. Sa sumunod na araw, bumaba ng bahagya sa 46. Ang ganitong mga numero ay halos pareho sa mga sinundang linggo. Patunay ito ng patuloy na pagkakahawaan, maging sa mga bakanado.

Mariin at malinaw ang paliwanag ng ating Punong Ama, si Mayor Benjie, na dagliang nagpahayag na nasa ayos pa rin tayo. “Kung ang bagsik ni Delta noong Oktubre at ating napagkayanan, ano na itong mga sinasabing super
variant ni Omicron. Under control ang sitwasyon, at arawaraw ay patuloy ang pagmamatyag at pag-asikaso
ng pandemya!” Bago pa man magsitaasan ng kilay ang mga masugid na sumusubaybay, idagdag pa natin ang isang realidad: mababa ang hospitalization rate ng covid sa ating mga ospital. Ugaling Pinoy ang tila namamayani, sabi ng ng ating barber, na kung sipon-sipon lamang ang nararanasan, sa bahay na lamang magpagaling.

Tamang tulog, iwas-stress, at tamang pagpapahinga ang kadalasan ay nangyayari. Bakit nga naman magpapa-ospital
pa? Gastos lamang daw na kayang bunuin ni Pinoy at Pinay. Idagdag pa ang isa pang ugali na sa panahon ng konting
karamdaman, ang perang pambili ng gamot, pangbayad ke Doc, at pagpapa-ospital ay sa pang-araw-araw na
pangangailangan ginagamit, lalo na ang pagseseguro na tatlong beses sa magdamag ay pay pagkain sa mesa, me
pambayad sa koryente at tubig, at ngayong pasukan, na ginawa ng in-person or face-to-face, eh di ba dapat dag-dag-gastusin ang pag-aaaral ng mga tsikiting, ni Kuya at ni Ate. Konting sipon-sipon, konting ubo-ubo, kakayanin pa
iyan.

NGAYONG nahimashimasan na ang karamihan, ay ating timbanging mabuti ang anunsyong mayroon ng bagong bakunang panlaban sa lahat ng subvariant na ngayon ay kumakalat. Meron na ngang pinagngingilagang supervariant daw na higit na mabilis makahawa, at higit na mabagsik ang dalang epekto. Kamakailan ay nanunsyo
na merong isang bakunang kinakitaan ng super-bisa na panlaban sa super-variant ni Covid. Isang turok lang daw, o
isang tabletang lalagukin, ligtas ka na sa panibagong pananalasa.

Dapat na maseguro natin ang pinagbubuhatan ng balitang ito, kahit na galing sa mga eksperto. Ang dapat na intindihin, paano kung ang marahas na super-variant ay manganak pa ng ibang higit pa ang bagsik at bilis? Gagawa na naman sila ng panibagong bakuna? Kung gayun, walang tigil ang agos ng mga ginagawa natin ngayon. Ang sabi nga ng aking barber, “Kikita na naman ang mga gumagawa ng bakuna. Walang kaduda-duda, liligwak ang balde na pagsasalukan ng walang hanggang kita!”

Totoo ba na umiiral ang paniwala na pwede ng proteksyon ang primary doses, kaya hindi na kailangan ang added vaccine boosters? May dulot nga bang peligro sa mga nagpa dagdag-bakuna, bagay na hindi inaasahan? Ano nga ba ang katotohanan na maibabalandra sa mga patuloy na may agam-agam o pangamba, kung kayat napakababa ng bilang ng mga boostered up? O sige, habang walang pila, magpa-boost up na. Iwaksi ang pangamba. Lunurin ang agamagam.

Isantabi ang mga espekulasyon tungkol sa mga side effects, na kayang-kaya namang pawiin ng Paracetamol. Walisin sa kaisipan ang gamundong problema pag naging 3 o apat na ang naiturok na bakuna. Proteksyon mo, proteksyon ng pamilya, at proteksyon ng kaibigan o hindi. Wala ng kaduda-duda, ang ating kaligtasan ay nasa ating mga kamay at braso. Maging bakunado, maging boostered up. Now na! Dyan tayo aahon, babangon, at muling uunlad bilang isang nagkakaisang sambayanan . AngatTayoBaguio!

Kaya naman, malaking hamon sa ating mahal na PBBM ang dagliang aksyon upang kahit papaano ay mabigyan ng
konting hininga, hindi hinaing, ang daing ng mga kababayang lugmok na sa hirap, pighati, at panlulumo.
Pag-ahon, pag-bangon. Pag-sigla at madaliang pagyakap sa Bagong Normal na buhay dyan tayo makakaangat
ng walang lingon-lingon. ADVANCE HAPPY BIRTHDAY Baguio! Mga kapwa-Ibagiw  tayong lahat yun na taga-Baguio at nananahanan dito maligayang kaarawan

Amianan Balita Ngayon