Baguio City, drug lord-free – Domogan

Nilinaw ni Mayor Mauricio Domogan na walang drug lord sa lungsod ng Baguio ngunit mga drug pushers lamang, sa ginanap na Ugnayan noong Miyerkules (May 10) ng hapon.
Aniya, patuloy pa rin ang operasyon sa pagtutugis sa mga tulak ng droga sa lungsod. Sa katunayan ay mayroong 2,362 na sumuko at nahuli sa buy-bust operation at mayroong 40 na sumuko na ngunit nahuli pa rin dahil sa patuloy na pagtutulak ng droga.
Nakita rin na ang suplay ng droga o ang pinagmumulan ng droga na pumapasok sa Pilipinas ay galing pa sa Mexico (cocaine) at Africa; ang shabu naman ay galing sa China.
Ayon sa mayor, dapat pagtibayin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at lokal na kapulisan na paigtingin pa ang imbestigasyon, kung kayang makita ang pinagkukunan o pinagmumulan ng droga na nakakarating sa lungsod na ibinibenta naman ng local drug pushers ay isang malaking tulong sa kabuuan ng lungsod ng Baguio. Aubrey Morales, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon