Baguio, may nasisilip nang sulusyon sa problema sa basura

Mar 2, 2018

LUNGSOD NG BAGUIO – Patuloy pa rin ang pamahalaan ng lungsod sa paghahanap ng pangmatagalang solusyon sa problema nito sa basura.
Ito ay sa gitna ng inilalakad na proseso upang magamit ang 24.11 ektarya sa Antamok open pit site na donasyon ng Benguet Corporation. Isinagawa ang surveying sa naturang lugar noong Martes.
Ayon kay Mayor Mauricio Domogan, umaasa itong magamit ang naturang lugar para mapagtayuan ng engineered sanitary landfill para sa binubuong waste disposal system ng lungsod.
Sinabi ng mayor na kapag naayos na ang kasunduan sa Benguet Corporation ay maaaring magamit ng lungsod nang libre ang lugar sa loob ng 25 taon.
Nagsimula na rin ang schedule for bidding para sa apat na garbage truck na idaragdag na gagamitin sa lungsod.
Ayon kay Mayor Domogan, nais niyang maidagdag ang mga nasabing garbage truck bago siya matapos ang kaniyang termino sa susunod na taong 2019.
Samantala, nabanggit din ang issue sa basura at sa kakayahan ng lungsod sa pagkolekta ng basura noong nakaraang grand parades sa pagdiriwang ng Panagbenga 2018. “Malaking trabaho at obligasyon, but sa awa ng Diyos…we were able to manage our waste disposal system, that we were able to dispose the garbage sa proper disposal method.” Gayun din, nagpasalamat ang mayor sa lahat ng volunteers at sa Baguio Bloom street sweepers na nag-ayos at mabilisang naglinis sa mga kalat sa dalawang parada.
“Don’t be part of the problem, but be part of the solution,” giit ng mayor. Aniya, natupad ang matino at mabisang paglinis at waste management system dahil sa kabayanihan na ipinakita ng mamamayan ng lungsod. Naobserbahan din na marami pa rin na mga turista ang nag-iiwan ng kanilang basura sa iba’t ibang lugar. Umaasa si Domogan na sana magawan din ng solusyon ang disiplina, upang sumunod ang mga bisita sa pagtapon ng basura sa tamang lugar. KIRK MATTHEW M. AMANSEC, UB Intern

RELATED POSTS

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest