Panagbenga, ipinagdiwang din sa kulungan

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagkaroon din ng sariling pagdiriwang ng Panagbenga o Baguio Flower Festival sa loob ng kulungan na inorganisa ng Bureau of Jail Management and Penology Baguio City Jail-Female Dorm.
Ang kanilang mga aktibidad ay nagtagal mula ika-8 hanggang ika-27 ng Pebrero 2018.
Ayon kay Assistant Warden-SGO3 Jean Billick, “For the past years nanonood lang kami sa TV, so naisip ni Warden na why not bring Panagbenga also in jail in our own special way to join Panagbenga, here inside.”
Nasorpresa naman ang Chairman ng Baguio Flower Festival na si city councilor Elmer Datuin sa ginawang selebrasyon nang inanyayahan siya bilang guest sa Awarding and Closing Ceremony ng Panagbenga ala Jail noong Pebrero 27, 2018.
Aniya, nagpapatunay lang ito na ang diwa ng Panagbenga ay nasa bawat isa dito sa lungsod ng Baguio.
Habang ang karamihan ay nagsasaya sa labas noong selebrasyon ng highlight ng Panagbenga Festival, nagsagawa naman ang BJMP ng iba’t ibang programa at patimpalak tulad ng Street Dance ala Jail, Panangbenga Quiz Bee at Livelihood Products Competition na mismong ginawa ng mga preso. KRISTINE MAE L. PASYAN, UB Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon