‘Balik-Eskwela Diskwento’ibinaba ang mga presyo ng school supplies

LUNGSOD NG DAGUPAN- Ang mga estudyante at mga magulang na naghahanda na para sa muling pasukan sa eskwelahan ay maaaring makakuha ng malalaking diskwento sa mga
pangangailangan sa pagpasok dahil sa “Balik-Eskwela Diskwento” sales na ibinaba ang mga presyo ng school supplies.

Sa pamamagitan ng “Balik-Eswela Program” ng Department of Trade and Indusrty (DTI), mga malls at supermarkets sa Pangasinan na muling ibinalik ang pakikipagtulungan sa ahensiya
upang magbigay ng diskwento sa mga school supplies mula 10 posiyento hanggang 50 porsiyento.

Sinabi ni DTI-Pangasinan officer-in-charge Natalia Dalaten na maaaring makabili ang publiko ng school supplies gaya ng mga notebook at paper pads sa marked down price na 10 porsiyento.

Ang iba pang gamit sa paaralan gaya ng bag at sapatos ay may diskwento hanggang 50 porsiyento, ayon kay Dalaten.

Sinabi niya na para sa Balik-Eswela Program ay ibinalik ang pakikipagtulungan sa “diskwento” sales partners sa Pangasinan gaya ng Nepo Mall Dagupan, CSI Supermarkets, Magic Supermarkets, Robinsons Place Pangasinan, National Bookstores, Pandayan Bookstores, Nepo Mart Alaminos City, SM City Rosales, Magic Mall Urdaneta, Unitop-Dagupan at San Carlos City, at Puregold Calasiao.

“We invite the public to buy at recognized “diskwento” sale partners for their school needs to avail of big discounts and to ensure the best quality of school supplies,” aniya.

Gayundin ay ipinaalala ni Dalaten sa mga mamimili na laging mapagmasid sa pamimili ng school supplies at magkaroon ng kabatiran sa kwalidad kaysa kabatiran sa brand ng produkto.

Hinimok din niya ang mga local retailers at distributors sa probinsiya na makibahagi at suportahan ang Balik-Eswela Diskwento Project ng DTI.

Pinayuhan din niya ang publiko na bisitahin ang DTI-Pangasinan Provincial Office na nasa 2nd floor ng Star Building, Arellano Street in Dagupan City o tumawag sa telepono numero (075) 551-3183 or 529-6177 o mag- email sa [email protected] para mga katanungan at karagdagang impormasyon sa mga presyo ng school supplies at iba pang hinaing.

PIA Pangasinan/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon