Building permit sisiguruhin ang katatagan ng mga gusali : CBAO

LUNGSOD NG BAGUIO – Binigyang-diin ng isang opisyal na namamahala ng mga gusali sa lungsod ang kahalagahan ng pagkuha ng isang building permit bago ipatayo ang mga gusali upang masiguro na kayang lagpasan nito ang malalakas na lindol.
Sa isang panayam kay Engr. Nazita Bañez, pinuno ng City Buildings and Architecture Office (CBAO) noong nakaraang Miyerkoles, sinabi niyang sa loob ng 8,943 na kasalukuyang bilang ng mga gusali – na binubuo ng gusali at bahay – sa 41 barangay, 14.6 porsiyento lamang ang nasasakop ng isang building permit, base sa imbentaryo na sunimulan noong Hulyo 2108 hanggang sa katapusan ng Abril ng taong kasalukuyan.
Ang Baguio ay may 128 barangay. “The building permit will assure that the structure built is designed to withstand natural calamities and the materials used are within the specifications of the design and the requirement of law,” ani Bañez.
“I am reporting this because of the question from the media how resilient is Baguio from earthquake. We can only assure the stability of buildings if they have building permits,” dagdag niya.
Sinabi ni Bañez na iniisyu ang isang building permit upang masiguro ng gobyerno na ang mga plano ay narepaso at na-evaluate kaya inaaaring ligtas ang gusali.
Ayon pa sa pinuno ng CBAO, kung umatake ang isang lindol ay hindi masisiguro ng gobyerno ang kaligtasan ng mga gusali na hindi kumuha at nabigyan ng permit bago magpatayo ng gusali.
“We should always be prepared for whatever calamity that will strike us, that is natural force of nature and one precautionary action is to have your building be evaluated by the CBAO by securing a building and occupancy permit,” aniya.
“Kapag may calamity dito sa Baguio especially earthquake, the government cannot assure the safety of buildings without building permit but those with building permits have a greater chance to withstand,” dagdag niya.
Naranasan ng lungsod ng Baguio ang pinakagrabeng pagkasira sa 7.7 magnitude na lindol noong Hulyo 16, 1990. Mahigit 1,000 tao ang namatay sa malawak na pananalasa ng lindol sa Luzon.
Sinabi ni Bañez na hindi na masayadong maabala at mabigat ang pagkuha ng building permit na maaaring maproseso mula limang araw hanggang isang buwan. Minsanang bayarin na PhP6,000 ang kailangan para sa bawat 100 square meters na gusali.
“Just employ an architect or an engineer to do the plans, specifications and bill of materials, submit [the document] to the CBAO for assessment,” ani Bañez.
Para sa mga tituladong lupa na may gusaling ipinatayo ngunit walang building permit, maaaring kumuha ang mga residente ng permit upang masiguro na ang kanilang gusali ay ligtas sa lindol.
“They may apply for building permits even if the structures are already existing, but they have to pay the penalty of PHP10,000 for constructing without building permit,” aniya.
Kailangang umupa ang mga may-ari ng isang arkitekto para gawin ang “as built plan” at isang engineer na gagawa sa “structural design” ayon sa kasalukuyang istruktura.
“When we evaluate and we see that it is ‘underdesigned’, we recommend for a retro-fitting plan and retro-fitting construction. They have to retro-fit whatever structural members are under-designed,” ani Bañez.
Sinabi ni Bañez na ang mga may-ari ng lupa na walang permit ay maaari pa ring masiguro ang kaligtasan ng kanilang nakatayong istruktura.
“They could hire private engineers to evaluate and assess their buildings and implement the necessary retro-fitting of the structures,” aniya.
Ang “retro-fitting” ay ang pagbabago sa column, beam at footing na maaaring ma-evaluate ng CBAO matapos gawin ito at bago ang pag-iisyu ng isang occupancy permit.
Sinabi niya na ang building permit ay hindi ma-iisyu sa mga lupang hindi sakop ng isang titulo ng lupa dahil isa itong requirement ng national building code na kailangang may titulo ang lupa bago ma-isyu ang isang building permit.
 
PNA/PMCJr./ABN

Amianan Balita Ngayon