Category: Editorial

Bagong pamunuan ng PDEA-CAR laban sa lumang problema sa droga

Nang maupong Presidente si Rodrigo R. Duterte noong Hunyo 30 , 2016 ay naglunsad ang kaniyang gobyerno ng walang kahalintulad na kampanya laban sa iligal na mga droga. Nangako siyang bibigyan lunas ang problema sa iligal na droga ng bansa na ayon sa kaniya ay nagdudulot ng malaking kapinsalaan sa mga buhay ng maraming pamilyang […]

Sa panahon ng mga pagsubok – huwag tayong maging pabigat

Tila pinapasan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pinakamabigat at pinakamatinding pagsubok sa kaniyang pamumuno at buhay – ang pagsupil sa isang napakabagsik at di-nakikitang kaaway, ang pandemiya ng COVID-19 at idagdag pa ang patong-patong na problemang kinakaharap ngayon ng bansa bunsod ng sakit na ito na laganap sa buong mundo gayundin ang kabi […]

Contact Tracer, pinakamainit na trabaho ngayon

Habang patuloy na tumataas sa makasaysayang lebelo ang bilang ng mga walang trabaho sa Pilipinas, ang maaaring pinakamainit na trabaho sa taon ay ang pagiging tagaligtas ng buhay: contact tracer. Ang pagsugpo sa coronavirus sa unti-unting muling pagbubukas ng ekonomiya ay lumikha ng isang matinding pangangailangan sa daan-libong tao na sasanaying tumukoy sa mga nahawang […]

Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kaya kapakanan nila ang dapat mangibabaw

Sa tila magkasalungat na posisyon ng Palasyo at ng Kagawaran ng Edukasyon hinggil sa muling pagbubukas ng mga klase sa pribado man o pampublikong paaralan dahil sa naging pahayag ng pagtutol ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nauna nang pahayag ng DepEd na bubuksan ang klase sa Agosto 24, 2020 para sa darating na school […]

Sa inulit na Balik-Probinsiya Program, may bagong pag-asa ba?

Ang programang Balik Probinsiya, Bagong Pag-asa (BP2) na isinusulong ngayon ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ay maaaring maging pinakamalakas na panulak sa ekonomiya kaalinsabay ng muling pagpapatupad ng mga proyektong imprastruktura sa oras na matapos na ang pandemya ng COVID-19. Ang proyekto ay maaaring isa sa pinakamahalaga at mamamalaging pamana ng administrasyong Duterte sa […]

Isang nakaambang rebolusyon nahadlangan dahil sa COVID-19

Matapos ang makasaysayang 1986 People Power revolution ay sinundan ito ng dalawa pang EDSA revolution, ang EDSA Dos noong Enero 2001 kung saan mapayapang napatalsik ang noo’y pangulong Joseph Estrada at ang EDSA Tres na nangyari ilang buwan lang matapos ang EDSA Dos noong Abril 2001 kung saan sumiklab ang protesta na humantong sa pagkakaaresto […]

Sa tumataginting na salapi marami ang masisilaw at matutukso

Sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One na batas o Republic Act No. 11469 ay naglaan ang gobyerno ng isang PhP200-bilyon emergency subsidy para sa halos 18 milyon low-income families sa dalawang tranches mula Abril hanggang Mayo. Ang mahihirap na Pilipino sa ilalim ng Social Amelioration Program na tugon sa krisis dulot ng COVID-19 […]

Hanggang kailan kailangang palawigin ang ECQ?

Ang maagang pag-alis ng lockdown sa COVID-19 ay maaaring maging panganib sa isang mapaminsalang ikalawang daluyong ng pagkamatay at sakit na pinatunayan na ng kasaysayan ng ibang mga bansa. Ito ang mismong pagkakamali na ginawa ng San Francisco sa Estados Unidos sa laban nito sa Spanish Flu noong 1918 hanggang 1919 at nakita ang pagbulusok […]

Doktor man at health workers nanganganib din…sa kamatayan

Sa mga emergency rooms ang mga doktor na tigmak sa pawis at critical care nurses na nagkukumahog na makakuha ng protective equipment ay mabilis na dumarating upang bigyankatauhan ang kabayanihan at trahedya ng pandemya ng coronavirus. Gaya ng mga nagdaang sakuna at trahedya, maaalala natin ang mga health care workers na ito at ang kanilang […]

Sa panahon ng walang katiyakan, bakit di pagbigyan ang iniaalay na lunas?

Kasalukuyan ay nakikibaka ang buong mundo sa isang pandaigdigang pandemya ng SARS-CoV-2, ang bagong coronavirus na sanhi ng COVID-19. Hanggang sa isinusulat ito (Abril 17, 2020), ayon sa worldmeter.info ay mayroon nang 2,182,823 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo na may 145,551 kabuuang kamatayan at 547,589 ang nakarekober. Sa Amerika kung saan may […]

Amianan Balita Ngayon