Category: Opinion

“Kalansing ng salapi sa gitna ng pandemya”

Napapanahong maglunsad ng pagsiyasat at pagpapanagot ang PCSO sa liderato ni general manager Royina Garma upang busisiin ang mga paglabag ng mga Authorized Agent Corporation (AAC) sa mandato ng ahensya. Mismong si GM Garma ang umaaray sa “bookies” ng mga AAC sa Small Town Lottery (STL) at Peryahan ng Bayan (PnB) na nangdidispalko sa nararapat […]

“Hanggang kelan nasa dilim ang Occidental Mindoro?”

Magta-tatlong dekada nang daing ng mahigit kumulang na 32,000 pamilyang nais ng maayos na serbisyo ng Occidental Mindoro Electric Cooperative (Omeco). Ngunit nananatiling bansag sa Occidental Mindoro’s “brownout capital of the Philippines” dahil sa 27 megawatt na pangangailangan ng buong probinsya’y, 24MW lamang ang naipapaluwal ng tinaguriang “inutil” na Omeco. Mayroong panukalang dagdagan upang maabot […]

“Wag magsisi sa bandang huli, Pangasinense”

Nakaamba na naman ang panganib ng black sand mining sa Pangasinan. Nakaumang ang sakuna sa kalikasan, kabuhayan ng mga mangingisda at personal na kaligtasan, lalo na sa mga dalampasigan, ang proyektong Iron Ore Pangasinan Offshore Magnetite Mining na may kabuoang 9,252.4506 ektarya mula Sual, Labrador, Lingayen, Binmaley at Dagupan City. Nag-aaply ng Environmental Compliance Certificate […]

“Jueteng” alyas “Peryahan ng Bayan” sa Cagayan ECQ man o hindi”

Walang kasing lakas ng loob ang “jueteng” operation sa Cagayan kahit ang kapitolyo at dalawang bayan pa nito ay isinailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) o lockdown. Hindi magkamayaw ang pangongolekta “kubrador” ng Globaltech Mobile Online Corporation sa lahat ng bayan ng probinsya sa kabila ng napakabilis ang paglobo ng Covid-19 sa lugar at sa […]

Happy Birthday ABN

Sa ikaapat na araw ng ipagdiwang ang Charter Day ng Baguio City tuwing Setyembre 1, ay bumusilak ang pahayagang Amianan Balita Ngayon noong Setyembre 4,2011, na ngayon ay isang dekada na ang edad. Sa kabila ng mga pagsubok, intriga na ang pahayagang ito ay pangpulitika lamang, ngayon ay hindi na matatawaran ang katatagan nito na […]

“Tila ayaw nang magbago?”

Nagkamalay ako sa second district ng Ilocos Norte ng 70’s. Hindi na nagbago ang imahe ng National Irrigation Administration (NIA). Sa compound nito sa bayan ng San Nicolas, labas-pasok ang mga magagarang 4×4 SUV na wari’y mga opisyal ang lulan. Sa kabilang banda’y, mga magsasakang umaasa sa tubigulan at salat sa patubig sa sakahan. Maraming […]

Huwag kampante!

Mahigpit ang babala ni Mayor Benjamin Magalong sa posibleng muling lumubo ang kaso ng COVID-19, bunsod ng pagbabanta ng kinatatakutang Delta variant na makapasok sa ating siyudad sa mga susunod na dalawang linggo o’ anumang oras sa mga darating na araw. Nalaman natin na bagama’t todo higpit sa border control at pagbabawal muna sa mga […]

”Ang sumusuko’y, ‘di nagwawagi”

May munting tagumpay na nakamit ang mga Isnag sa Kabugao at Pudtol sa Apayao kontra sa 150MW Gened Dam sa Apayao. Matapos ang isang araw na deliberasyon ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) en banc nitong Martes kasama ang 7 mga Ethnographic Commissioners, iniurong na ang Certification Precondition (CP) application ng Pan Pacific Renewable […]

“Mahigit isang taon pa ang bakunahan, Dios Mio!”

Hindi kaila sa buong bansa ang araw-araw na mahahabang pila sa mga lugar-bakunahan. Umulan, bumagyo’t bumaha, atubili ang taong magpabakuna, lingid sa binabanggit ng pamahalaan na malaki pa rin ang porsyentong ayaw magpaturok kahit mayroon namang nakastockpile na bakuna. Hindi lubos maisip na sa datos ni National Task Force (NTF) against Covid-19 Chief Implementer, Secretary […]

Cash incentives para sa mga barangay

Tumataginting na P50,000; P30,000;P20,000 cash incentives ang ibibigay ni Mayor Magalong sa mga barangay sa lungsod na makakabuo ng 95 porsiyento na mapabakunahan ang senor citizens sa kani-kanilang nasasakupan. Ginawa ito dahil may 11,000 registered senior citizens pa ang hindi pa nagpapakuna laban sa COVID, mula sa kabuuang 32,603 registered elderlies sa lungsod. Sa kabuuang […]

Amianan Balita Ngayon