Category: Police Patrol

Lasing na lalaki, nanaksak

BANGUED, ABRA – Isang 40 anyos na butcher ang nanaksak ng isang binata nang nagkainitan ang mga ito sa isang lamay sa Zone 3, Bangued Abra. Nakatanggap ng tawag sa cellphone ang personnel ng Bangued MPS mula sa Seares Memorial Hospital hinggil sa isang lalaking dinala sa ospital para sa agarang lunas dahil sa natamong […]

3 katao huli sa mga iligal na baril sa Abra

LA TRINIDAD, BENGUET – Nadakip ang tatlong katao ngayong linggo sa Abra kasama ang mga iligal na baril na nakatago sa kani-kanilang tirahan habang patuloy ang kampanya ng Cordillera police laban sa mga kriminal, lalong-lalo na ang mga loose firearms at guns-for-hire. Arestado si Cesar Frio Blanes, 48, butcher, mula sa Sitio Turod, Calaba, Bangued, […]

Grade 6 student, na-hit and run

Isang grade 6 student ang na-hit and run bandang 1:56pm ng November 1, 2017 sa tapat ng Pilando Building, Lower Magsaysay Avenue, Baguio City ng isang Toyota Vios sedan na may plakang ZMR-484 at kulay Azure Blue ng di pa nakikilalang driver kung saan nagmula sa direksiyon ng city proper patungo sa direksiyon ng Lower […]

Dalaga, ginulpi at ninakawan ng 4 na lalaki

Inireklamo ng isang 23 anyos na babaeng estudyante ang pagnanakaw at pambubugbog ng apat na lalaki, dakong 2:20 ng madaling araw ng Oktubre 31, 2017, sa Lower Session Road, Baguio City. Kinilala ang apat na suspek na sina Joey Boy Taduan Quinto, 22, single, residente ng Upper Quezon Hill; Klivh Iram Dumangeng Abidal, 18, single, […]

Motorsiklo, binunggo ang nakaparadang van

Nahagip ng isang motorsiklo ang nakaparadang van bandang 11:20pm ng October 30, 2017 sa kahabaan ng Legarda Road, Baguio City. Sa imbestigasyon, ang Honda motorcycle na may plakang 2543-XS na minamaneho ni Brigido Cayat Acop, 28, single, RNR Maintenance, at residente ng Badihoy Pinsao, Baguio City, ay nagmula sa MH Del Pilar, city proper papuntang […]

Drayber ng motorsiklo patay sa Ifugao

Hindi pa nakilala ang bangkay ng isang lalaking naaksidente habang minamaneho ang isang motorsiklo sa national highway ng Namillangan, Alfonso Lista sa Ifugao noong Oktubre 31, 2017. Sa ulat ng pulis ng Alfonso Lista, dakong 10:30 ng gabi nang tumawag sa kanilang himpilan si Judge Rufus G. Malecdan Jr. ng RTC Branch 15, Alfonso Lista, […]

Pinaslang na lalaki, natagpuan sa kalsada sa Abra

La Trinidad, Benguet – Nakahandusay sa kalsada nang natagpuan ang bangkay ng isang napaslang na lalaki sa sitio Balneg, barangay Salucag, Dolores, Abra noong gabi ng Nobyembre 2. Sa kabila ng pahayag ni Dolores Mayor Robert Seares Jr. na ang naturang pagkakapaslang ng biktima ay personal at bunsod ng di pagkakaunawaan habang nag-iinuman, ang pagpaslang […]

Pulis, ginulpi ng mga trabahador sa Benguet

Itogon, Benguet – Pinagtulungang bugbugin ng apat na construction worker ang isang pulis sa bayang ito noong hapon ng Nobyembre 2. Si Police Officer 2 Bryan Tinag Castro, 29, kasalukuyang nakadestino sa Itogon police station, ay sisiyasatin sana ang isang komosyon sa 1300 Level, sa Poblacion, ngunit ginulpi ito ng mga trabahador

P600,000 halaga ng marijuana, nasabat sa Mt. Province

LA TRINDIAD, BENGUET – Kunwaring operasyon ng police ang nagbunga ng totoong paghuli. Mahigit sa kalahating milyong piso na halaga ng marijuana bricks ang nakumpiska ng mga pulis sa isang simulation exercises mula sa dalawang katao sa Sitio Latang, Lower Caluttit, Bontoc, Mt. Province, hapon ng Biyernes, Oktubre 20.

Trabahador ng Benguet Corp., huli sa pagnanakaw ng ginto

ITOGON BENGUET – Isang empleyado na nagtatrabaho sa refinery ng Benguet Corporation Gold Operation sa Balatoc, Virac ng bayang ito ang nahuli na nagnanakaw ng gold dust mula sa refinery room Miyerkules ng hapon (Oktubre 25).

Amianan Balita Ngayon