Category: Police Patrol

P100,000 ari-arian, nasunog sa Bakakeng

Bahagyang nasunog ang isang two-storey residential house sa 120 Pinewood Street, Crystal Cave, Bakakeng Central, Baguio City na pag-aari ni Wahab Manan Macalangan, 44, may-asawa, at negosyante, bandang 1:30pm ng July 25, 2017. Sa panayam kay Tyron Calauto Cabantas, nasa legal na edad, sinabi nitong kasama niya ang kaniyang mga kaibigan malapit sa lugar ng […]

Dalaga, arestado sa pang-aabuso ng bata

Arestado ang 19 anyos na dalaga sa kasong child abuse bandang 7am ng July 24 sa Slaughter Compound, Baguio City. Inaresto ng tauhan ng Tuba municipal police station si Bernadette Junio Buccat, 19, single, service crew, at residente ng Block 9, NHA, Tadiangan, Tuba, Benguet sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge […]

9 anyos, nasagasaan ng taxi

Nasagasaan ng taxi driver ang isang batang babae bandang 6pm ng July 24 sa kahabaan ng Sepic Road, Baguio City. Sa ulat ng pulis, minamaneho ni Gerald Reyes Tubig, 31, may-asawa at residente ng Consolacion, Agoo, La Union ang taxing Isuzu Crosswind na may plakang AYU-433 galing sa direksiyon ng Guisad Road papunta sa direksyon […]

Dalaga, nahuling nagnakaw sa supermart

Huli sa pagnanakaw ang isang dalaga bandang 1:45pm ng July 26, 2017 sa loob ng Sunshine Supermart, Abanao Street, Baguio City. Kinilala ang suspek na si Nhica Subido Castro, 24, single, walang trabaho at residente ng Munos Drive, Asin Road, Baguio City.

16 katao, ligtas sa aksidente sa Mt. Province

La Trinidad, Benguet – Isinugod sa ospital ang 16 pasahero ng isang pribadong jeepney kabilang ang driver pagkaraang mawalan ng preno at tumagilid pakanan ang sasakyan, umaga ng Hulyo 25 sa bayan ng Natonin, Mt. Province. Ayon sa pulisya, ang jeepney na may plakang DSX 618 na minameho ni Celso Bagyan, 39, tubong Loo, Buguias, […]

Tatlong drug dealers, timbog

La Trinidad, Benguet – Timbog ang tatlong drug dealers kabilang ang diumano’y miyembro ng Abra drug syndicate sa isinagawang sting operation. Nahuli ng anti-narcotics agents ng PDEA Regional Office in the Cordillera sa pangunguna ni Director Edgar Apalla at iba local police sina Eddie Mar Donato Bayle alias “Abbet”, 31, diumano’y nasa watch-listed drug personality […]

Konsehal sa Abra, sugatan sa pamamaril

La Trinidad, Benguet – Sugatan ang isang miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) ng Lagayan sa Abra dahil sa pamamaril sa mismong town hall grounds. Ayon sa ulat, nag-iinuman diumano sa isang SB kiosk sa tapat ng town hall sina Noel Cortez, 54, kabilang ang kaniyang mga kasamahan sa SB na sina George Seguerra, Louie Layao, […]

Illegal recruiter, arestado

Arestado ang isang illegal recruiter sa Barangay 1, Vigan City, Ilocos Sur bandang 8:50am ng July 19 sa pinagsamang operatiba mula sa City Intelligence Unit ng Baguio City Police Office, Mobile Patrol Unit at Vigan City police. Sa bisa ng dalawang warrants of arrest sa kasong Illegal Recruitment Committed by a Syndicate na walang piyansa […]

Lalaki, arestado sa pagnanakaw

Arestado sa pagnanakaw ang isang lalaki sa City Camp Alley, Baguio City bandang 11:30pm ng July 18. Sa reklamong isinampa ng biktimang si Joan May Alicante, may-asawa, 44 anyos, cook ng Kubo Grill at residente ng City Camp Alley laban sa suspek na si John Emerson Labayog, 29 anyos, single, at residente ng Upper Rock […]

Snatcher, binasag ang inagaw na cellphone

Huli sa pang-aagaw ang isang lalaki bandang 9pm ng July 18 sa Upper Magsaysay Avenue, Baguio City partikular sa harapan ng Tiongsan Super Bazaar. Lumabas sa imbestigasyon na ang biktimang si Ranel Soledad Bringuela, 42 anyos, may-asawa, sales clerk at nakatira sa Dagohoy Street, Baguio City ay naglalakad para umuwi nang biglang may sumikwat ng […]

Amianan Balita Ngayon