Category: Police Patrol

5 mangingisda, huli sa illegal fishing

Nadakip ang limang kalalakihan dahil sa ilegal na pangingisda bandang 11:30am ng August 15 sa Barangay Bani, Rosario, La Union. Ang lima ay hinuli ng pinagsanib na puwersa ng Rosario MPS at Sto. Tomas Police Station ng La Union kabilang ang mga miyembro ng Bantay Dagat ng Barangay Rabon, Bani, Damortis sa pangunguna ni Barangay […]

Nanay, timbog sa buy-bust sa Pangasinan

Arestado ang isang nanay sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga operatiba ng Calasiao police katuwang ang PDEA RO1 bandang 5:45pm ng August 14 sa Sitio Paronking, Barangay San Miguel, Calasiao, Pangasinan.

Serial rapist at gunrunner, huli sa Abra

Baguio City – Huli ang diumano’y serial rapist at gunrunner na matagal nang nagtatago sa mga otoridad sa bayan ng Villaviciosa, Abra noong Agosto 15.

Binata, nabaril ang sarili

Aksidenteng naputukan ng isang binata ang sarili nito sa natagpuang baril bandang 3:40pm ng August 7 sa Liteng Street, Pacdal, Baguio City.

2 lalaki mula sa Pangasinan, nadakip sa rent-carnap

ALAMINOS CITY – Muling lumutang ang isang sindikato ng rent-carnap nang mawala ang Toyota Innova na pag-aari ng isang negosyante mula sa Bulacan at nakita sa dalawang lalaki mula sa Bolinao, Pangasinan, Lunes ng gabi (Aug.7).

Tanod-tricycle driver, tinutugis sa pagmolestya ng 2 bata

LUNGSOD NG BAGUIO – Wanted ngayon ng kapulisan ang isang tanod sa Conner, Apayao na kasalukuyang nagtatago matapos na maiulat ang diumano ay pangmomolestya nito ng isang 10-anyos na babae dalawang taon na ang nakaraan at panggagahasa sa isang 8-anyos na babae noong Oktubre 2016.

Lalaki, arestado sa bukas-kotse

Arestado ang isa sa mga nagbukas-kotse sa kahabaan ng Lower Magsaysay Avenue, Baguio City partikular sa harap ng JCF Electronics bandang 3:30am ng July 31, 2017.

Amianan Balita Ngayon