Comelec gagamitin ang mga opisina ng gobyerno sa rehistro

LUNGSOD NG BAGUIO – Nagdesisyon ang Commission on Elections (Comelec) na dalhin ang off-site voter’s registration sa mga opisina ng gobyerno upang mapagbigyan ang mga empleyado na mailista at makaboto sa susunod na halalan sa pagka-presidente.

Sinabi ni Atty. John Paul Martin, Baguio election supervisor noong Lunes na napag-alaman nila na sa lungsod ay may mahigit 400 empleyado na ang voter registration ay inactive o hindi nakaboto sa loob dalawang magkasunod na eleksiyon o higit pa.

Nasa 1,600 regular,contractual, job orders at elected employees ang pamahalaang lungsod. Noong 2019 ay sinabi ni Martin na tinanggal ng Comelec mula sa listahan ang nasa 30,000inactive voters.

Sinabi niya na nadiskubre ang imga inactive voters sa panahon ng special registration noong 2019 nang sinubukan nilang irehistro ang mga miyembro ng indigenous peoples.

“The majority of them are not active voters. Maybe they are afraid that politicians will discover that they did not vote for them, which is not possible because even I do not know whom voters vote for,” ani Martin.

Sinabi niya na maaaring ginustong maging neutral ang mga empleyado kaya hindi sila bumoto na hindi mabuting pangyayari.

“Ang pangit tingnan na tayo sa gobyerno kinakampanya natin ang pagbabago sa gobyerno, hindi pala rehistrado, not a voter. Ano naman daw ang credibility mo na empleyado kung ganun?,” pahayag ni Martin.

Sa panahon ng 20 buwan ng pagrerehistro ng mga botante mula Enero 20 hanggang Setyembre 30, 2021 ay magsasagawa ang Comelec-Baguio ng off-site registration sa lahat ng ahensiya ng gobyerno at mga opisina upang mahikayat ang mga botante na magparehistro at makaboto.

Sinabi niya na magkakaroon din ng off-site registration sa mga mall, paaralan, simbahan, barangay, organisasyon, asosayon, police offices at sa Philippine Military Academy.

“If they cannot come to us because they do not have the time, we will go to them. We have enough time to bring the registration to everybody,” ani Martin.

Sinabi niya na umaasa sila na maibalik ang 30,000 botante na natanggal sa listahan at makuha nag 2-porsiyento increment increase mula sa kabataan ng humantong na o hahantong pa lang sa edad 18.

May 141,000 botante ang Baguio matapos ang delisting ng 30,000 at registration ng bagong 5,000 botante noong 2019.

Sa unang araw ng voter registration noong Enero 20 ay may 122 tao ang nagparehistro. Inaasahang tataas ang bilang ng magpaparehistro sa off-site registration.

LA-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon