Dating hepe ng pulis, pinagbabaril sa Sarrat

LAOAG CITY – Patay ang isang retiradong pulis matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek habang nakikipag-inuman sa Barangay San Miguel, Bayan ng Sarrat, halos 13 kilometro mula sa lungsod noong gabi ng Martes (Agosto 8, 2017).
Ang biktima ay kinilalang si Senior Superintendent Jeffrey Gorospe, 55 anyos, may-asawa, residente ng Barangay San Antonio, bayan ng Sarrat at dating Laoag police chief. Nagtamo ang biktima ng gunshot wounds sa kaniyang ibabang likod at kaliwang hita.
Itinakbo ang biktima sa malapit na Black Nazarene Hospital ng Bayan San Nicolas ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician na si Dr. Marjorie Fariñas.
Bandang 10:35pm ng Martes, ayon sa mga nakasaksi ay nag-iinuman ang biktima at apat sa kaniyang kasamahan sa isang kubo na malapit sa tahanan ni Engr. Rodennis Sanches nang makarinig sila ng magkakasunod na putok ng baril. Ang biktima, na halos 10 metro ang layo sa mga nakasaksi, ay sumisigaw na siyang tinamaan.
Pakiusap ng biktimang patayin ang ilaw at nakarinig sila ng isang motorsiklong paalis.
Nakuha ng pulisya ang 11 empty shells ng M16 Armalite rifle.
Sa radio interview kay Chief Inspector Roldan Suitos, police chief ng Sarrat, na ang dating Laoag chief ay isang well-accomplished police officer.
“We are conducting a deep investigation to establish all possible motives of the crime,” aniya at hiniling na tumulong kung sino man ang may impormasyon upang maresolba ang pagpatay.
Sa pamilya, kaibigan at katrabaho ni Gorospe, kilala siya bilang isang devoted family man at outstanding police officer.
Sa panahong police chief ng Laoag si Gorospe, ang Laoag Philippine National Police ay kinilala bilang best performing city police station, most presentable police station, at best Barangay Peace Keeping Action Team City Police Station. LEILANIE ADRIANO, PNA / ABN

Amianan Balita Ngayon