DILG nagsagawa ng constitutional reform roadshow sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet – Dinala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang agenda ng gobyerno sap agamyenda ng 1987 Constitution tungo sa pag-unlad at progreso ng bansa at ng mamamayang Pilipino sa pamamagitan ng constitutional reform provincial roadshow na tinawag na “Balangayn 2019” sa Benguet Sports Comples noong Martes.
Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga opisal ng LGUs at barangay mula sa 13 munisipalidad ng probinsiya, regionalline agency at ilang kinatawan ng community/civil organizations kung saan naging tagapagsalita sina dating Kalinga Congressman Lawrence Wacnang at constitutional reform speaker’s bureau member Professor Alfredo Sureta Jr.
Sinabi ni DILG-CAR Regional Director Marlo Iringan na ang Balangayan ay isang provincial roadshow na pinangungunahanng DILG sa iba’t-ibang lugar ng bansa upang magbigay na mas malawak na kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng pagbabago sa konstitusyon at magbigay ng isang lugar upang pag-usapa ang mga isyu ng kaunlaran at hinaing ng mga lokal na komunidad.
Layon din nito na magkaroon ng dayalogong pampubliko at konsultasyon sa constitutional reforms na kailangang mapabilis ang pogreso ng bansa.
Tinalakay ni Wacnang na isang miyembro ng1987 Constitution Review Consultative Committee ang ukol sa 1987 Constitution at kung bakit hindi ito makatugon sa kasalukuyang pamumuhay ng mga Pilipino at ang bentahe ng pagkakaroon ng isang political system na may fedral setup. Sa kabilang banda ay tinalakay naman ni Sureta ang pangangailangan ng bansa sa political, electoral at economic reforms.
Gaya ng ipinaliwanag ng mga resource speakers, 32taon na ang nakalipas mula ng isabatas ang 1987 Constitution at sa pagitan noon at ngayon, maraming mga bagay ang nagbago na. May mga bagong hamon at problema na kailangang tingnan kung anong bahagi ng konstitusyon ang dapat amyendahan o panatilihin.
Sa pangarap ng Cordillera sa isang pang-rehiyong awtonomiya gayundin ang pagsulong ng gobyenro sa constitutional reforms ay siniguro ni Irigan na hindi ito maapektuhan dahil siniguro niya ang patuloy na suporta ng DILG-CAR sa pagkakaroon ng autonomous region para sa CAR.
 
CCD-PIA-CAR/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon