Empleyada ng gobyerno, biktima ng estafa

Isang empleyada ng gobyerno ang nabiktima ng estafa na nangyari bandang 4pm noong Setyembre 12 sa Baguio Stock Farm, Sto. Thomas Road, Dontogan, Baguio City.
Kinilala ang biktima na si Sherley Tugaoen Turingan, 58, may-asawa at tubong Luna, Apayao at residente ng Baguio Stock Farm, Sto. Tomas Road, Dontogan, Baguio City.
Ayon sa imbestigasyon bandang 1:30 ng hapon ng Setyembre 11 ay nakipagkita ang biktima sa tatlong babae sa Abanao Extension, Baguio City na kung saan ay nagbebenta ang isa sa tatlong babae ng mga alahas para umano sa kaniyang pagpapalaglag ng dinadalang-tao.  Siniguro ng buntis na babae na na-appraise ng jewelry shop ang kaniyang alahas sa halagang P300,000 kaya nagmakaawa siya sa biktima na bilhin na lamang niya ito sa halagang P140,000. Napaniwala ng mga suspek ang biktima at sinamahan nila ito (biktima) na mag-withdraw ng P40,000 sa LandBank sa Kisad Road. Matapos nito ay pumunta sila sa bahay ng biktima na kung saan kinuha ang karagdagang pera at ibinigay ang buong P140,000 sa mga suspek.
Samantala ay pumunta si Turingan sa puwesto ng kaniyang anak sa Maharlika Building, Baguio City upang ipa-appraise ang nasabing mga alahas at laking gulat nila na lumabas na peke pala ang mga ito.
Sisiyasatin ang CCTV cameras na nakalalagay sa mga lugar na pinunatahan ng biktima at mga suspek para malaman ang posibleng pagkakakilanlan sa mga suspek. Ang kaso ay sumasailalim sa imbestigasyon.

Amianan Balita Ngayon