Engineering Brigade ng Army: Manalo tayo sa giyera laban COVID-19

MANAOAG, Pangasinan – Determinado ang 51st Engineering Brigade ng Philippine Army upang mapanalunan ang giyera kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pagprotekta sa mga tropa nito habang gumaganap ng kanilang sinumpaang mga trabaho.
Sa kaniyang pagbisita sa Camp Tito Abat sa bayan ng Manaoag kamakailan ay sinabi ni Brigadier General Lyndon Sollesta, commander ng Brigade na tuwing lumalabas ang isang sundalo sa kampo ay nanganganib siya COVID-19, kaya napakahalaga ng maproteksiyunan siya.
Sinabi ni Sollesta na pangunahing nagbibigay ang kaniyang tropa ng engineer support sa Philippine Army at socio-economic development projects ng gobyerno. Bahagi ng kanilang mandato ay magbigay ng makataong tulong at magsagawa ng disaster response operations.
“Many of them construct emergency quarantine facilities in different provinces and some are assigned at quarantine control points and help in relief operations in their area of assignment, thus, exposure to the disease is inevitable,” aniya.
“Kailangang balansehin ang takot sa COVID-19 at ang pag-perform ng duties. Protektahan ang sarili para makapagpatuloy sa pagserbisyo,” sinabi ni Sollesta sa kaniyang mga tauhan sa Engineer Support Group.
Sinabi niya na ang giyera sa coronavirus ay malayong iba kaysa giyera sa lugar ng digmaan.
“Sa giyera, pwede nating ma-contain sa isang area ang mga kalaban para hindi na magspillover sa community. Pero itong COVID-19, hindi natin alam kung saan ang danger at kung sino ang
kalaban,” daing niya.
Sa kabila ng katotohanang ito ay binigyan-diin ni Sollesta na ang whole-of-government approach kung saan lahat ng mga sektor ng gobyerno ay sama-samang nagtratrabaho upang mapamahalaan ang epekto ng nakamamatay na sakit.
“Hopefully this pandemic will be over. We are winning this war against COVID-19 and everything will go back to new normal,” ani Sollesta sa isang panayam.
Binisita ni Sollesta ang Pangasinan upang personal na mamonitor ang support group sa kampo, kausapin ang kaniyang tropa sa pamumuno ni Commanding Officer Major Amadeo Panlilio at pangunahan ang pagpupulong ng Regional Multi-Sectoral Advisory Council sa pamumuno ng chairwoman nito, Ms. Lynn Ang.
Binisita rin niya ang kapuwa heneral na si Mayor Leopoldo Bataoil ng bayan ng Lingayen. Ang 51st Engineering Brigade ay may pangunahing kampo sa Libis, Quezon City. Mayroon itong anim na construction battalions, isang engineer combat battalion at isang engineer support company.
Sakop nito ang buong Luzon, kasama ang isla ng Palawan at isla ng Pag-asa sa Spratlys.
VHS-PIAPang/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon