TESDA magbibigay ng mechanization trainings para sa mga magsasaka ng palay

LUNGSOD NG SAN FERNANDO, La Union – Upang mapahusay ang competitiveness, productivity at kita ng mga magsasaka sa rice trade industry, ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ay magsasagawa ng farm mechanization training.
Sinabi ni TESDA Regional Director Vincent Aljon Cifra ng Ilocos sa isang panayam na, “This is to help our farmers modernize their methods and practices for them to be able to become more competitive in the rice production and rice selling as well.”
Ang training ay eksklusibong nakahanda para sa mga magsasaka, mga trabahador sa sakahan, gayundin ang kanilang dependents na nakalista sa Registry System for Basic Sector in Agriculture na pinamamahalaan ng Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng mga agriculture office ng mga lungsod at munisipalidad.
“Dahil bunga nga ito ng Rice Tarrification Law, ‘yong kinikita from the tariffs ay may portion na napupunta sa TESDA. For Ilocos Region, P40M was given last 2019. ‘Yang perang ‘yan ay ginagamit sa pagbibigay ng mechanization training sa ating mga magsasaka,” ani Cifra.
Ang mga learning sessions ay nakatuon sa farm machinery operations at small engine servicing gaya ng pagkukumpuni at pagmimintini.
Sinabi ng regional director na ang mga interesadong aplikante para sa nasabing programa ay maaaring magtanong sa kanilang official Facebook page: TESDA One.
“Hinihikayat ko ang publiko na magpadala lamang sila ng mensahe sa aming Facebook page. Mag-inquire lamang kayo at may mga tao tayong nakatutok doon para magbigay kasagutan,” panigurado niya.
Isa pa, ang TESDA-Ilocos ay nagsusulong ng paglikha ng isang “edible garden” o isang mini organic farm na gumagamit ng mga nakakaing tanim, kaysa ang normal na mga palamuting tanim, upang maayos o mapaganda ang kanilang garden.
“Sa unang tingin ay napakaganda ng setup, pero kapag malapitan mong tinignan ay malalaman mong pagkain pala. This is also our way of promoting agriculture – to utilize an instagrammable concept,” sinabi ng regional director.
Dagdag pa niya, ”Tinuruan tayo ng COVID-19 pandemic ng importance ng agriculture. Habang walang vaccine, there is always a possibility na magkaroon ng another wave of infection at baka kapag nangyari ‘yan ay hindi na makayanan ng ating mga LGUs na hatiran tayo ng mga relief goods. So, we need to establish sustainable food source.”
Samantala bilang panauhin sa Laging Handa Network Briefing News episode noong Lunes ay ibinahagi ni Mayor Roselyn Silva ng Imelda, Zamboanga Sibugay na ang mga magsasaka sa kanilang munisipalidad ay nabibigyan ng training sa epektibong pagsasaka.
CGRC-PIA LU/PMCJr.-ABN
 

Amianan Balita Ngayon