For Sale Firecrackers and Pyrotechnic Device

“Sa Ingay Walang Sablay, Sa Paputok Goodbye Kamay” ang tema ngayon taon para sa mahigpit na ipinatutupad ng DOH, Ang kampanya ng Iwas Paputok.

Ngunit sa kabila nito ay nasa 40 stalls ang nabigyan ng permit ng Local Government Unit ng San Fernando City, La Union na magbenta ng firecrakers at pyrotechnic device sa City Plaza, Barangay II, Sumailalim sa pagsusuri ng PNP, Civil Security Group, Regional Civil Security Unit 1 ang mga maaaring ibenta na firecrackers tulad ng Baby Rocket, Bawang, Small Triangulo,Pulling of Strings, Paper Cups, El Diablo, Judah’s Belt, Sky Rocket at sa pyrotechnic device ay Sparklers, Lusis, Fountain (Jumbo, Regular at Special) Mabuhay, Roman Candle, Trompillo, Airwolf, Whistle device at butterfly.

Hindi naman nagkulang ng paalaala ang lokal na pamahalaan ng San Fernando City sa maayos na pag-gamit ng paputok at pinag-iingat nito ang mga kabataan at gabayan ng magulang ang kanilang mga anak.

Mar Oclaman/ABN

Amianan Balita Ngayon